Mga Pananaw sa Pagpapahintulot ng Same-Sex Marriage sa Bansa

© Marissa G. Eugenio & Vergie Eusebio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naipapahayag ang pananaw sa pagpapahintulot ng same- sex marriage sa bansa

Sa isang pagtitipon ng LGBT community sa Davao City noong Disyembre 2017, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang suporta sa same-sex marriage. Aniya, “Ako gusto ko, same-sex marriage. Ang problema, we’ll have to change the law, but we can change the law. Ang batas kasi, marriage is a union between a man and a woman. I don’t have any problems making it, marrying a man, marrying a woman… o whatever is the predilection of the human being.”

Ganunpaman, noon lang Marso ng taon ding iyon, nagpahiwatig naman siya ng pagtutol sa same-sex marriage. Ang komento nya ukol sa pagiging legal nito sa ibang bansa, “… hindi ‘yan pwede sa amin, kaya Katoliko kami at there is the Civil Code, which says that you can only marry a woman for me, for a woman to marry a man.” Naniniwala tuloy ang iba na hindi malinaw ang posisyon ng pangulo sa isyu.

Sinasabi ng mga nagmumungkahi ng legalisasyon ng same-sex marriage sa Pilipinas na ang pagtanggi rito ay isang uri ng diskriminasyon sa minorya. Ang same-sex marriage umano ay solusyon din sa madaming bata sa bansa dahil ang same-sex couples ay malamang kumuha ng aampuning bata.

Ang same-sex marriage umano ay isang karapatang pantao dahil lahat daw ng tao ay may likas na karapatang pumili kung sino ang nais pakasalan anoman ang kasarian nito. Ang pagsasalegal ng same-sex marriage ay pagtataguyod din umano ng eqaality o kapantayan sa kasarian. Wala rin umanong masama sa same-sex marriage kung nag-iibigan naman ang nais magpakasal.

Sa kabilang banda, sinasabi ng mga kontra sa same-sex marriage na ito ay magpapahina sa dangal at prestihiyo ng pag-aasawa bilang mahalagang institusyong panlipunan. Papahinain din umano nito ang maraming family at social values na kailangan sa maayos na lipunan.

Marami pa ring Pilipino ang naniniwala na ang kasal sa magkatulad na kasarian ay makapagpapababa ng moralidad ng tao. Masisira din umano ng same-sex marriage ang tradisyonal na kahulugan ng kasal at ang normal na istruktura ng pamilya. Gayundin, hindi umano mabuti ang idudulot ng same-sex marriage sa mga anak.

Sa panahon ng speakership ni Cong. Pantaleon Alvarez, may inihaing alternatibong panukalang batas ukol sa pagsasamang legal ng magkaparehas ang kasarian. Ayon mismo sa isang transgender woman na si Bataan Rep. Geraldine Roman, mas madaling ipasa ang civil partnership kaysa same-sex marriage, yayamang ang nais naman daw ng LGBTQ+ community ay karapatan.

Paliwanag niya, “Marriage is a religious term so let them keep that term. What they’re interested in are civil rights… It’s not because I don’t support same-sex marriage pero I want to be realistic.

Sa ilalim ng House Bill No. 6595 na akda ni Alvarez, Roman, at walo pang ibang kongresista, hindi lamang kikilalanin bagkus bibigyan pa ng kaparehong karapatan ng mga kasal na mag-asawa ang civil partnership. Magkakaroon din ng karapatan ang civil same-sex partners na mag-ampon at magkaroon ng hatian sa ari-arian.

Bukod dito, papayagan din umano silang maghiwalay alinsunod sa mga kondisyon ng Family Code para sa mga kasal na mag-asawa. Ang ipinapanukalang civil partnership ay maaari rin umano sa heterosexual couples (isang babae at isang lalake) na ayaw magpakasal.

Ang same-sex marriage at maging ang panukalang civil partnership ay nakaugat sa pagkilala at pagtanggap sa oryentasyong seksuwal na homosexuality. Ganunpaman, may mga naniniwala na ang homosexuality at mga mga gawaing homoseksuwal ay dysfunctional sapagkat labag sa naturalesa, pagkakalikha, o kalikasan ng tao.

Sinasabing dapat isa-alang-alang ang relihiyon sa planong pagsasaligal ng same-sex marriage sa Pilipinas dahil ang Pilipinas ay itinuturing pa ring relihiyosong bansa. Ang karamihan sa mga relihiyon sa Pilipinas ay tutol sa same-sex marriage, gaya ng mayoryang Iglesia Katolika na mariing kumukontra sa pagsasaligal nito, at ang iba pang kilalang relihiyon gaya ng Iglesia Ni Cristo, iba’t ibang sektang Protestante, at mga grupo ng Born Again.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, posisyon ng Simbahan ang ganap na yakapin ang mga gays at lesbians, subalit hindi umano tinatanggap ang mga relasyon at unyon sa pagitan ng magkatulad na kasarian … ituloy ang pagbasa

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog

Kaugnay na paksa: Same Sex Marriage: Good or Bad for our Society?

TALAKAYAN

1. Sa tingin mo, angkop ba ang samesex marriage sa Pilipinas? Depensahan ang iyong sagot.

2. Ano ang same- sex marriage?

3. Anu-ano ang mga epekto ng same- sex marriage sa mga bansang pinahihintulutan ito?

4. Anu-ano ang sa tingin mo’y bentaha at disbentaha ng pagpapahintulot ng same- sex marriage sa Pilipinas?

TAKDANG-ARALIN

E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin

a. Sa search engine ngAlaminNatin.com, hanapin ang blog na “Mga Epekto ng Prostitusyon.”

b. Basahin ang maikling lektura.

c. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Maliban sa mga nabanggit sa artikulo, ano pa sa tingin mo ang masamang epekto ng prostitusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gumamit ng #IgalangAngSarili #Prostitusyon

e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga kaibigang babae) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.

f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.

=====

To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL