Mga Huwarang Babae sa Kasaysayan ng Pilipinas
Ano nga ba ang papel ng mga babae sa Pilipinas?
Sa nakalipas na panahon at tradisyonal na lipunan, ang papel na inaasahan sa mga kababaihan sa Pilipinas ay ang pagsisinop sa tahanan at pag-aalaga sa pamilya. Sila ang responsable sa mga gawaing bahay, pag-aalaga ng mga anak, at inaasahang makatutulong sa pagtatanim (sa agricultural na komunidad).
Subalit may mga patunay na kahit noon pa, may mga kababaihang hindi nagkasya na maging taong bahay lamang, kundi nag-ambag din ng ibang uri ng kontribusyon sa lipunan.
Gabriela Silang
Siya ay isang rebolusyonaryong lider na kilala bilang unang babaeng lider ng rebolusyonaryong kilusan ng Pilipinas laban sa Espanya. Humalili siya sa kaniyang asawang si Diego Silang matapos itong mapatay noong 1763.
Teresa Magbanua
Siya ay isang guro at lider-militar. Siya ay isang maipagmamalaking Pilipina at maihahanay sa mga natatanging babaeng heneral tulad nina Reyna Sima, Prinsesa Urduja, at Gabriela Silang.
Nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas noong 1896 laban sa Imperyo ng Espanya, isa siya sa mga ilang babaeng sumali sa Katipunan na nakabase sa Panay.
Melchora Aquino (Tandang Sora)
Kinilala bilang Tandang Sora sapagkat siya ay matanda na noong sumiklab ang digmaan noong 1896. Sa maraming paraan, sinuportahan niya ang Katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio.
Tinatawag din siyang “Grand Woman of the Revolution” at “Mother of Balintawak” dahil sa kaniyang mga kontribusyon sa rebolusyon.
Josefa “Pepa” M. Llanes-Escoda
Si Josefa Llanes-Escodaay isang Pilipina at prominenteng civic lider at social worker. Nakilala siya bilang isa sa nagsulong sa karapatang bumoto para sa mga kababaihan at nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines.
Kasama ang kaniyang asawang si Vicente Lim, siya ay inaalala sa isanlibong pisong papel na naglalarawan sa mga Pilipinong lumaban at umalma sa okupasyon ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa kasalukuyan, maraming papel ang ginagampanan ng mga babae sa Pilipinas. Sila ay gumaganap bilang ina, anak, kapatid, asawa, propesyonal, employer o negosyante, empleyado, pulitiko, tagapagturo, at iba pa.
Subalit kung susumahin, ang maituturing na pinakamahalagang gampanin pa rin ng isang Pilipina sa bansang Pilipinas ay ang pagiging ina. Hindi matatawaran ang responsibilidad na kaakibat nito.
Sabi nga ng naging Ms. Universe noon na si Sushmita Sen ng India, “Just being a woman is God’s gift. The origin of a child is a mother, a woman. She shows a man what sharing, caring, and loving is all about. That is the essence of a woman.” Malaki ang utang na loob ng sinoman sa kani-kaniyang ina.
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
Ikaw, paano mo maipakikita ang iyong pahmamahal sa iyong ina?
Gumamit ng #LoveYouPoMa!
*Kung may paksa na nais mong hanapin (e.g. PWD, LBTQ+, Climate change, migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu