Ang Epekto Ng Climate Change Sa Kapaligiran, Lipunan, At Kabuhayan Ng Tao Sa Bansa At Sa Daigdig

© Vergie M. Eusebio at Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natataya ang epekto ng Climate Change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao sa bansa at sa daigdig

Mga Epekto ng Climate Change sa Kapaligiran, Lipunan, at Kabuhayan

Mahalagang natataya ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao sa bansa at sa daigdig. Hayag na ang mga epekto ng pagbabago ng klima at ang mga ito ay hindi na titigil at lalo pang lalala kung hindi maaagapan.

Bago magpatuloy: Pakisuportahan ang ating free educational materials sa pamamagitan ng pag-subscribe (kung hindi ka pa naka-subscribe). Salamat!

Epekto sa kapaligiran

Apektado ng pagbabago ng klima ang sistema ng panahon, lebel ng tubig sa dagat, gleysyal na yelo, at ang wildlife, kasama na ang mga halaman at hayop.

Dahil sa climate change, nagiging mahirap tayain ang padron ng panahon at nagkakaroon ng di-pangkaraniwang weather events gaya ng malalakas na pag-ulan, mga super typhoon, matitinding pag-ulan ng niyebe, malalalang heat waves, at matatagal na tagtuyot.

Dahil sa global warming, nagiging lalong mainit at mahalumigmig ang paligid dahil nagiging singaw o vapor ang mga tubig sa ilog at dagat.

Bumibilis at nagiging mas malawak din ang pagkatunaw ng mga bundok ng yelo kaya tumataas ang lebel ng tubig sa dagat, na kalaunan ay maaaring magpalubog sa mabababang dako at magdulot ng pagguho ng mga bangin, buhanginan, at dalampasigan.

Nasisira rin ang ecosystem. Ang maraming mga hayop at halaman ay nahihirapang mag-adapt sa nagbabagong klima.

Lumilikas sa mas malamig o mataas na dako ang ibang hayop, nagiging extinct ang ibang species, nagkakaroon ng bleaching at pagkasira ng mga coral reef sa dagat, at tumataas ang lebel ng acidity sa karagatan dahil sa malaking konsentrasyon ng carbon dioxide sa paligid.

Epekto sa kabuhayan

Malaki ang epekto ng climate change sa kabuhayan ng mga tao. Sa pagsasaka halimbawa, nakasalalay ang tagumpay sa pagiging natataya (predictability) ng panahon, upang mapaghandaan ang mga susunod na hakbang para sa masaganang ani at kita. Ang pagiging unpredictable ng panahon bunga ng pagbabago ng klima ay magpapataas sa gugol sa pagtatanim at magpapataas sa presyo ng kalakal.

Totoong apektado ng pagbabago ng klima ang agrikultura. Dahil sa mga pagbabago sa padron ng presipitasyon, mas matatagal na tagtuyot, at pagdami ng mga mapinsalang insekto at mga sakit- halaman ay namamatay ang mga pananim, kung kaya’t nagreresulta ito sa pagkalugi.

Apektado rin ng mga kalamidad na dulot ng climate change ang pag-export at pag-import ng mga produkto. Dahil sa mga pagbaha sa mga coastal area dahil sa pagkatunaw ng mga bundok ng yelo, apektado ang kabuhayan ng mga tao ruon gaya ng turismo.

Epekto sa lipunan

Apektado ang lipunan ng mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima gaya ng bagyo, baha, pagguho ng lupa, at tagtuyot.

Nagbubunga ang mga ito ng pagkasira ng mga bahay at pagkawala o pagtaas ng presyo ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng tao.

Apektado rin ang kalusugan at buhay ng mga tao. Kapag mas mainit ang panahon, mas dumarami ang insekto at hayop na maaaring magdulot ng sakit, gaya ng lamok at mga daga. Darami kung gayon ang kaso ng leptospirosis, malaria, yellow fever, dengue, encephalitis, at mga kauri nito. Mas marami rin ang nagkakasakit o namatay dahil sa heat wave at heat stress.

Dahil apektado ang kabuhayan at produksiyon ng pagkain, maaaring magkaroon ng maraming kaso ng malnutrisyon at malnourishment. Dahil dumarami sa kapaligiran ang lebel ng mainit na hangin na may pollens, pollutants, at mold spores, marami rin ang magkakaroon ng allergy at respiratory diseases (gaya ng pneumonia, tuberculosis, lung cancer, at iba pa) … ituloy ang pagbasa

*Kung may nais kang hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu (hal. unemployment; political dynasty, etc), i-search dito:

Copyright © by Vergie M. Eusebio at Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

MGA KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Mga Suliraning Pangkapaligiran Na Nararanasan Sa Sariling Pamayanan
Ang Aspektong Politikal, Pang-Ekonomiya, at Panlipunan ng Climate Change
Read: Climate Change: Causes, Effects, and Solutions

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.

TALAKAYAN

1. Ano ang maimumungkahi mong pamamaraan kung paano ka makatutulong na mabawasan ang paglala ng climate change?

2. Ano ang climate change?

3. Anu-anong mga gawain ang nagdudulot ng climate change? Talakayin.

4. Ipaliwanag ang aspektong politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan ng climate change.

5. Talakayin ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng pamahalaan at ng mga pandaidigang samahan tungkol sa climate change. Bumanggit ng isa at ipaliwanag.

6. Anu-ano ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng tao sa bansa at sa daigdig? Talakayin.

TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL

E-Learning Assignment:

a. Hanapin sa search engine ng AlaminNatin.com ang blog na “Paggawa ng Case Study: Balangkas at mga Hakbang.”

b. Planuhin ang paggawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan. Gamitin ang artikulo bilang gabay sa pagpaplano.

c. Maghanda ng ilang paksa na nais talakayin sa case study na gagawin.  

d. Sangguniin ang guro ukol sa kung aling paksa ang angkop sa iyo at anong pamamaraan ang iyong gagawin.

e. Ang iyong guro ang magpapasya ng ukol sa deadline ng proyekto.

Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog

=====
To post comment, briefly watch this related short video:

====
For your COMMENT, use the comment section here: Pangangalaga sa Kapaligiran at Kalikasan