Symposium na Tumatalakay sa Kaugnayan ng Karapatang Pantao at Pagtugon sa Responsibilidad Bilang Mamamayan
© Marissa G. Eugenio & Vergie Eusebio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nakapagpaplano ng symposium na tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao
Ang Karapatang Pantao
Ang mga karapatang pantao ay mga karapatang likas sa lahat ng tao, anoman ang nasyonalidad, lugar ng tirahan, kasarian, nasyonal o etnikong pinagmulan, kulay, relihiyon, wika, o anumang iba pang katayuan o estado. Lahat tayo ay pantay-pantay na may karapatan o entitled sa mga karapatang pantao nang walang diskriminasyon. Ang mga karapatang ito ay sinasabing interrelated, interdependent, at indivisible.
Ang mga pandaigdigang karapatang pantao ay madalas na ipinahahayag at ginagarantiyahan ng batas, sa mga anyo ng mga tratado, mga internasyonal na batas, pangkalahatang mga prinsipyo, at iba pang mga pinagmumulan ng internasyonal na batas.
Ang prinsipyo ng pagiging unibersal ng mga karapatang pantao ang pundasyon ng mga internasyonal na batas ukol sa karapatang pantao. Ang prinsipyong ito, tulad ng unang binigyang diin sa Universal Declaration on Human Rights noong 1948, ay muling inulit sa maraming internasyonal na mga kumbensyon ukol sa karapatang pantao, mga deklarasyon, at mga resolusyon.
Binanggit halimbawa ng 1993 Vienna World Conference on Human Rights na tungkulin ng mga estado na itaguyod at protektahan ang lahat ng mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan, anuman ang kanilang mga pampulitika, pang-ekonomiya, at pangkulturang sistema.
Nananagot ang mga estado sa ilalim ng internasyonal na batas na igalang, protektahan, at ipatupad ang mga karapatang pantao. Ang mga estado ay hindi dapat gumambala sa pagtatamasa ng mga tao ng mga karapatang pantao. Dapat nitong protektahan ang mga indibidwal at grupo laban sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao. Obligasyon din nitong gumawa ng positibong aksyon upang mapadali ang pagtatamasa ng mga pangunahing karapatang pantao. (Kaugnay: Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig: Pokus sa Pilipinas)
Hindi marapat ipagkait ang karapatang pantao. Hindi ito dapat kuhanin, maliban sa mga partikular na sitwasyon at ayon sa mga angkop na proseso. Halimbawa, ang karapatan sa kalayaan ay maaaring limitahan kung ang isang tao ay napatunayan sa korte na gumawa ng krimen.
Kaakibat ng karapatang pantao ang mga karapatan at maging ang mga obligasyon. Sa indibidwal na antas, samantalang entitled tayo sa ating mga karapatang pantao, dapat din naman nating respetuhin ang karapatang pantao ng iba.
Symposium ukol sa Karapatang Pantao
Kaugnay ng paksa ukol sa karapatang pantao, ang isa sa mga pamantayan sa pagganap at pagkatuto na hinahanap sa mga mag-aaral ay ang makapagplano ng symposium na tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao.
Ang symposium ay isang pampublikong pagpupulong tungkol sa isang paksa kung saan ang mga piling tao ay nagbibigay ng mga paglalahad. Ito ay isang kumperensya kung saan tinatalakay ng mga itinuturing na eksperto o awtoridad ang isang partikular na paksa.
Ang symposium ay maaaring pang-isang beses na kumperensya o isang regular na pagpupulong. Pagkatapos ng isang symposium, ang mga dumalo ay dapat na umuwing may nakamit na higit na kaalaman tungkol sa isang paksa o mas malalim na pag-unawa sa isang isyu. Maaaring nakarinig sila ng mga bagong konsepto tungkol sa isang mainit na paksa o nakatanggap ng isang bagong kaalaman, pagkaunawa, o paninindigan. (Sangguniin: Paano Ang Pagsasagawa ng Symposium)
Ukol sa mga hakbang kung paano mag-organisa ng symposium at kung sino ang maaaring kuhaning keynote speaker, mga panelista, moderator, at iba pa para sa proyektong ito, sangguniin ang maikling artikulong, “Pagpaplano ng Symposium: Programa, Kaayusan, at mga Gampanin” na matatagpuan sa search engine ng AlaminNatin.com o google.
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Bill of Rights
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
Also Check Out:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
TALAKAYAN
1. Kung ang grupo mo ang mag-oorganisa ng isang symposium ukol sa human rights, anong pagtikular na paksa ang gagawin ninyong tema? Bakit?
2. Ano ang karapatang pantao?
3. Talakayin ang Bill of Rights.
4. Anu-ano ang iba’t ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao?
5. Ano ang symposium?
6. Ano ang masasabi mo sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao?
TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL
E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin
a. Sa search engine ngAlaminNatin.com, hanapin ang blog na “Anu-ano ang mga Karapatang Pantao?”
b. Basahin ang maikling lektura.
c. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Sa tingin mo, ano ang pinakamasamang epekto ng paglabag sa karapatang pantao? Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang natutunan sa artikulo. Gumamit ng #KarapatangPantao #Igalang
e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga alagad ng batas) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.
f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mapanagutang Pagtugon sa Iba’t Ibang Emosyon ng Kapuwa-Tao