Sex Education: Angkop ba sa Pilipinas?
Ang sex education ay isa sa mga kontrobersyal at hindi mamatay-matay na isyu sa Pilipinas. Nakapaloob sa isyung ito ang tanong kung ang ganitong uri ng edukasyon ay angkop na solusyon sa ilang mga problema sa lipunan o isang bagay na magdadala ng sumpa at imoralidad sa ating lipunan, lalo na sa panig ng mga kabataang Pilipino.
Ano ang sex education?
Ang sex education, na kung minsan ay tinatawag na sexuality education o sex and relationships education, ay magtuturo at magbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa sex, sexual identity, intimacy, relationship, family planning, contraceptive methods, at mga kaugnay ng mga ito.
Bahagi rin ng debate tungkol sa sex educationang tungkol sa kung ito ay makapagpapaunlad nga ba ng kaisipan ng mga kabataan, na makatutulong sa kanila na makagawa ng matalinong mga pagpili tungkol sa marapat na gawi at pag-uugali, at upang magkaroon ng tiwala at kakayahan sa tamang pagdedesisyon.
Mga Dahilan ng mga Nagsusulong ng Sex Education sa Pilipinas
Bagama’t maraming tila kontra sa pagsasakatuparan ng sex education sa Pilipinas, narito naman ang mga dahilan ng mga nagsusulong ng pagkakaroon nito sa bansa:
1. Sa kanilang maagang edad, ang mga mag-aaral ay maaaring mapaliwanagan sa mapapait na pangyayari na maaaring idulot ng iresponsabeng pakikipagtalik, tulad ng maagang pagbubuntis, pagpapalaglag, depresyon, atbp.
2. Maituturo sa kabataan ang pagkakaiba ng pag-ibig (love) at kalaswaan (lust).
3. Magkakaloob ang sex education ng higit na kaalaman tungkol sa negatibo at nakapipinsalang epekto ng hindi napapanahong pakikipagtalik (pre-marital sex), gaya ng wala sa panahong pag-aasawa, pagkasira ng mga pangarap, at pagkasadlak sa kahirapan.
4. Ang paaralan ay maganda at pormal na lugar upang ituro ang mga bagay tungkol sa sex. Minsan ay atubili ang mga magulang na ituro ito sa mga anak at hindi rin maganda na sa mga iresponsableng websiteito matutunan ng mga kabataan.
5. Maaaring kasabay na ituro ang sex education sa paksang moralidad o etika upang magkaroon ang mga mag-aaral ng tamang pananaw ukol sa pakikipagtalik at seksuwalidad.
Para sa katwiran ng mga tutol sa sex education, basahin ito.
Also Check Out:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
Ikaw, sang-ayon ka ba sa pagkakaroon ng sex education sa Pilipinas? Pangatwiranan ang iyong sagot. Maging magalang sa pagtugon sa argumento ng iba.
Gumamit ng #SexEducation #Philippines
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.
=====
TO STUDENTS: Write your assignment/comment in the comment section of Moral Standards and Non-Moral Standards (Difference and Characteristics)