Pakikipagkapwa-tao: Pagtanggap sa pagkakaiba, hindi pagpataw ng sarili

Isa sa mga katumbas na konsepto ng pakikipagkapwa-tao ang intersubjectivity. Ang salitang intersubjectivity ay ginagamit ng mga panlipunang siyentipiko bilang terminong naglalarawan sa maraming interaksiyong pantao. Ito’y ginamit sa agham panlipunan upang tumukoy sa pagkakasundo.

Read more

Mga sitwasyong nagpapakita ng pagpili at kahihinatnan nito

Konektado sa isa’t isa ang mga pagpili, na ang bawat pagpili ay nagpapatatag o nagpapabago ng direksiyon ng ating buhay. May matandang kasabihan: “Magtanim ng gawa, mag-ani ng nakagawian; magtanim ng nakagawian, mag-ani ng birtud; magtanim ng birtud, mag-ani ng karakter; magtanim ng karakter, mag-ani ng kapalaran.”

Read more

Ang ating mga pagpili ay humuhubog sa ating moral na pagkatao

Ang pagpili, na bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay, ay mabagal at unti-unting humuhugis ng ating moral na pagkatao. Nasa reyalidad ng pang-araw-araw na pagpili natin—pagsira o pagrespeto sa kasunduan, pagbasag o pagtupad sa ipinangako, pagtulong sa nangangailangan o kawalan ng pakialam, pagsangkot o pagsaway sa pandaraya …

Read more

‘May binibitawan at may makukuha sa bawat pagpili’

Ang pagpili sa isang bagay ay nangangahulugan ng pag-ayaw sa iba namang bagay—bagay na maaaring gustuhin natin sa kinabukasan, o sa susunod na linggo, na maaaring hindi na natin makukuha kung hindi susunggaban o pipiliin ngayon. Subalit talagang ganun—ang pagpili ay may kasamang sakripisyo.

Read more

Ang pagiging maingat sa pagpapasya

Importante sa isang tao na kaniyang natatasa kung siya ay maingat sa pagpapasya o hindi. Ang pagiging mahinahon sa pagpili ay nangangahulugan ng pagiging maingat bago tuluyang buoin ang pasya tungkol sa isang mahalagang desisyon.

Read more

‘Bawat kilos ay may kahihinatnan’

Ang bawat tao ay binigyan at biniyayaan ng natural na kapasidad at abilidad. Pangunahin dito ang abilidad na malayang makapagpasya. May abilidad ang tao na maunawa, makilala, at pahalagahan ang katotohanan at ang kabutihan, at may kakayahan siyang makapamili mula sa mga opsiyon. Subalit may kahihinatnan o resulta ang bawat pagpili o pagpapasya.

Read more

Masinop na pakikibagay sa kapwa-nilalang sa kapaligiran

Importanteng matutuhan ang pagiging masinop sa pakikibagay sa mga kapwa-nilalang at sa kapaligiran. Dapat matutunan ang mga birtud gaya ng katalinuhan sa pagpapasya o kahinahunan (prudence) at pagiging matipid (frugality) sa paggamit sa kalikasan.

Read more

Pagkalinga sa kapaligiran: Tulong sa kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran

Ang pagkalinga sa kapaligiran ay nakatutulong sa pagkamit ng kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran. Ito ay sapagkat may dinamikong salimbayan sa pagitan ng tao at ng kaniyang kalikasan. Ang ganitong kabatiran ay nagbibigay kapasidad sa mga tao na maging mulat sa kanilang relasyon sa kalikasan at sa mga kaakibat nilang na responsibilidad sa kanilang kapaligiran.

Read more