Mga Teorya sa Pagpili

© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio

Sa simpleng pananalita, ang pagpili ay ang abilidad na magdesisyon kung mayroong dalawa o higit pang posibilidad. Pero ang mga teorya at modelo sa isipan tungkol sa pagpili ay higit pa riyan.

Narito ang dalawa sa pinakakaraniwan sa mga teorya ng pagpili:

1. Choice theory

Ang choice theory ay ang pag-aaral kung paano ginagawa ang pagdedesisyon. Ang termino ay ginamit sa aklat na may parehong titulo ni William Glasser, na nagsabing lahat ng pagpili ay ginagawa upang tugunan ang limang pangunahing pangangailangan: pananatiling buhay (survival), pag-ibig at pagkaukol (love and belonging), kapangyarihan (power), kalayaan (freedom), at kasiyahan (fun).

b. Rational choice theory

Ang rational choice theory o teorya ng makatuwirang pagpili ay isang balangkas na ginagamit upang ipaliwanag ang pag-uugaling panlipunan at pang-ekonomiya.

Batay sa teoryang ito, ang mga indibidwal na may ginaganapang papel sa mga panlipunan o pang-ekonomiyang institusyon ay pumipili ng makapagsusulong o makapagpapalawak ng kanilang interes at makapagbibigay sa kanila ng pinakamalaking benepisyo.

Masasabi nating ang choice theory at rational choice theory ay kapwa nagsasabi na pumipili ang mga tao pangunahin upang isulong ang sariling interes. Ito ay natural lamang. Subalit laging dapat tandaan na may binibitawan at may makukuha sa bawat pagpili. (© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio)

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:

– 5.3 Nakikilala na: b. May binibitawan at may makukuha sa bawat pagpili. (PPT11/12BT-IIb-5.3)

SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog