Mga sitwasyong nagpapakita ng pagpili at kahihinatnan nito
© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Mahalaga na ang isang tao ay nakapaglalahad ng mga sitwasyon kung saan naipakikita ang pagpili at kahihinatnan ng mga ito.
Tunay na may mga sitwasyong nagpapakita ng pagpili at kahihinatnan nito. Ang kauna-unahang halimbawa nito sa kasaysayan ay ang pagkain ng bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Pinili ni Eba at Adan na maging sunud-sunuran sa mapandayang ahas. Dahil dito, nadungisan ang kanilang kalayaang pumili, pinalayas sila sa halamanan ng Eden, at tinakdaan ng kamatayan.
Halimbawa pa nito ay kung may nag-aalok sa iyo ng suhol para sa partikular na serbisyo. May kalayaan ka na tanggapin iyon at labagin ang batas o kaya ay tumanggi at sundin ang tama. Ang pagtanggap ng suhol ay patungo sa pagkabagabag ng konsensiya. Hindi lang iyon, maaari kang makulong sa pagtanggap ng suhol.
Konektado sa isa’t isa ang mga pagpili, na ang bawat pagpili ay nagpapatatag o nagpapabago ng direksiyon ng ating buhay. May matandang kasabihan: “Magtanim ng gawa, mag-ani ng nakagawian; magtanim ng nakagawian, mag-ani ng birtud; magtanim ng birtud, mag-ani ng karakter; magtanim ng karakter, mag-ani ng kapalaran.”
Ito ay nangangahulugan na sa totoong sentido, ang nagiging uri ng ating pagkatao ay apektado ng ating mga pinili. Ang ating mga pinili ay humuhubog sa ating personalidad, at ang ating naging uri ng pagkatao ay nakakaapekto naman kung paano tayo pipili o magpapasya sa mga susunod na pagkakataon.
Kung halimbawa ay gumagawa tayo ng anupabaga sa hinihingi sa ating paaralan at walang motibasyon para sa kalidad na paggawa at walang seryosong pagpupursigi para maging mahusay ang gawa, sa isang banda ay nagiging gayon ang uri ng ating pagkatao. Ang ganitong anupabagang pag-uugali, kung hindi mababaligtad sa kalaunan sa ating pagtanda, ay madadala sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Sa ating karera, sa ating pakikipag-ugnayan at pananagutan, sa ating buhay pamilya, at maging sa ating buhay panrelihiyon at pagsamba o paglilingkod sa Panginoon—makukuntento na tayo sa hindi mataas ang lebel o anopabaga.
At kapag hindi natin nakasanayan na magsakripisyo para sa iba, halimbawa, kahit na para sa mga sinasabi nating minamahala natin, masasabing hindi natin naibuhay ang kabuuang esensiya ng ating buhay dahil nabigo tayo na ibuhay ito nang husto …
Basahin ang karugtong: Ang ating mga pagpili ay humuhubog sa ating moral na pagkatao
© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 5.4 Nakapaglalahad ng mga sitwasyon kung saan naipakikita ang pagpili at kahihinatnan ng mga ito. (PPT11/12BT-IIc-5.4)
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage
Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog