Mga Paraang Tungo sa Ikalulutas ng Suliranin sa Prostitusyon at Pang-Aabuso sa Sariling Pamayanan at Bansa

© Vergie M. Eusebio at Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nakapagmumungkahi ng mga paraang tungo sa ikalulutas ang suliranin ng prostitusyon at pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa

Mga Mungkahing Paraan sa Paglutas sa Prostitusyon at Pang- aabuso

Ang prostitusyon at pang-aabuso ay mga problemang panlipunan na marapat tugunan. Narito ang ilang mga mungkahing solusyon:

1. Paglikha at pagpapatupad ng mga batas

Buong higpit na ipatupad ang batas sa mga sangkot sa prostitusyon at pang-aabuso. Dapat makalikha ng akmang batas na may karampatang parusa para, halimbawa, sa mga bugaw, nagpapatakbo ng mga negosyong nag-aalok ng prostitusyon, at parokyano ng prostitusyon. Ang mga mahuhuling prostitute ay dapat papanagutin batay sa sa sinasabi ng batas o isailalim sa mga proyekto ng gobyerno na mag-aahon sa tao mula sa prostitusyon.

Marapat din na ipatupad nang walang kinikilingan ang mga angkop na batas para sa mga nang-aabuso, lalo na sa mga sangkot sa rape at domestic violence.

2. Pagtutulungan ng mahahalagang institusyon sa lipunan

Ang pamilya, paaralan, at relihiyon ay dapat magtulung-tulong sa paglutas sa prostitusyon at pang-aabuso. Ang paaralan at relihiyon ay maaaring magtulong sa pagtuturo ukol sa kasamaan ng pang-aabuso at masasamang epekto ng prostitusyon sa lipunan.

Ang mga magulang o guardian naman ang gagabay at magmamalasakit sa mga miyembro ng kanilang pamilya, lalo na sa mga kabataan, upang maiwasan ang anomang pang-aabuso at hindi masadlak sa prostitusyon.

3. Pagbuo ng pamahalaan ng mga angkop na proyekto

Makagagawa ang gobyerno ng mga proyekto at programa ukol sa pagpapalaganap ng mga tamang kaalaman ukol sa pang-aabuso at prostitusyon. Maaari ring lumikha ng livelihood program upang tugunan ang tukso sa pagpasok sa prostitusyon.

Makalilikha rin ng mga epektibong sistema ukol sa madaling pagpaparating sa otoridad ng mga kaso ng pang-aabuso at mabilis na pagtugon ng mga alagad ng batas sa mga ito … ituloy ang pagbasa

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog

TALAKAYAN

1. Ano sa tingin mo ang pinakamasamang epekto ng prostitusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano ang prostitusyon?

3. Anu-ano ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso?

4. Anu-ano ang mga dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso?

5. Anu-ano ang mga epekto ng pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan at bansa?

6. Magmungkahi ng mga paraang tungo sa ikalulutas ng suliranin ng prostitusyon at pang-aabuso sa sariling pamayanan at bansa.

TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL

E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin

a. Sa search engine ngOurHappySchool.com, hanapin ang blog na “K-12 Basic Education Program in the Philippines: Beneficial or Additional Burden?

b. Basahin ang lektura.

c. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Sa tingin mo, epektibo ba ang Kto12 Program sa Pilipinas? Suportahan ang iyong gamit ang mga katwirang inilahad sa artikulo. Gumamit ng #Kto12 #MabisaBa

e. Mag-imbita ng tatlong kakilala (mga nasa kolehiyo) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.

f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.

=====

To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL