‘May binibitawan at may makukuha sa bawat pagpili’

© by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio

Mahalaga sa isang indibidwal na kaniyang nakikilala na may binibitawan at may makukuha sa bawat pagpili.

Ang pagpili sa isang bagay ay nangangahulugan ng pag-ayaw sa iba namang bagay—bagay na maaaring gustuhin natin sa kinabukasan, o sa susunod na linggo, na maaaring hindi na natin makukuha kung hindi susunggaban o pipiliin ngayon. Subalit talagang ganun—ang pagpili ay may kasamang sakripisyo.

Halimbawa, kapag pinili kong gastusin ang aking pera sa computer games, maaaring mawalan ako ng pambili ng pagkain ko mamaya. Kung hindi ako papasok sa paaralan, maaaring maging malaya ako na gumala kung saan-saan, subalit maaari akong bumagsak sa mga aralin at hindi makapagtapos.

May iba pang pagpili na lalong kumplikado o mas mabigat ang mga maisasakripisyo, gaya ng pagpili kung saang kolehiyo papasok o anong kurso ang kukunin, o pagpapasya kung ano ang gagawin pagkatapos sa kolehiyo, at pagpiling magiging hanapbuhay o karera.

Ang ating mga ginagawa ay may epekto rin sa mga nakapaligid sa atin, malaki man o maliit ang epekto. Kung hindi papasok ang isang empleyado, may ibang rerelyebo sa kaniya at gagawin ang trabahong dapat niya sanang ginawa

Ituloy ang pagbasa sa karugtong: Mga Teorya sa Pagpili

© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:

– 5.3 Nakikilala na: b. May binibitawan at may makukuha sa bawat pagpili. (PPT11/12BT-IIb-5.3)

SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage

Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist