Imperyalismo at Kolonyalismo: Dahilan ng Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig

Naging dahilan ang imperyalismo at kolonyalismo, at maging ang tunggaliang imperyal (imperial rivalry) ng pagsisimula o pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang imperyalismo ay pagpapalawak ng mga makapangyarihang bansa ng kapangyarihan, kabilang dito ang kolonyalismo o ang pananakop sa ibang teritoryo. Nakapaloob sa mga ito ang pagkokontrol sa gobyerno at ekonomiya ng ibang mga bansa. Sa imperyalismo, maituturing na pinagsasamantalahan ng mga malalaking bansa ang kanilang mga kolonya o nasakop na mga teritoryo.

Bago ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI), maraming malalaking bansang Europeo ang nagkaroon ng imperyo. Nuong panahon na iyon (huling bahagi ng ika-19 na siglo), ang Britanya ang kinikilalang pinakamakapangyarihan, pinakamalaki, pinakamayamang imperyo sa buong daigdig.

Subalit nakapagtatag din ng imperyo at naging makapangyarihang ang Pransya. Gayundin ang kapwa Europeanong bansa na Alemanya na nagkaroon ng mga teritoryo sa Asya, Pasipiko, at sa Aprika (Gitna at Timog-Kanlurang bahagi).

Hindi naman nagpahuli ang Espanya na sumakop sa Pilipinas sa Malayong Silangan at sa mga bansa sa Timog Amerika. Nagkaroon din ng imperyo ang Rusya, Austriya-Unggarya at naging bantog din ang Imperyong Otomano. (Kaugnay: Ang Imperyalismo sa Pilipinas: Kasaysayan at Kahulugan)

Sa huling bahagi ng dekada 1800, gumaya rin ang Estados Unidos sa pagtatatag ng Imperyo. (Kaugnay: ANG UNITED NATIONS: ISANG PAGPAPAKILALA)

Rush for empire

Nagkaroon din ng “rush for empire” o labanan sa pananakop sa mga natitirang teritoryong maaari pang sakupin. Ito ay naganap sa ikalawang bahagi ng dekada 1800 kung kailan nagkaroon ng agawan sa mga gagawing teritoryo lalo na sa Aprika.

Gaya ng inaasahan, ang naglaban para sa mga bagong teritoryo ay ang Britanya, Pransiya at Alemanya. Ang pag-aagawang ito ay naging sanhi ng mga hidwaan at pagtatalo sa pagitan ng mga naglalabanang mga imperyo—bagay naging salik din sa pagsiklab ng WWI.

Ang paghina ng Imperyong Otoman

Halos kaalinsabay ng “rush for empire,” natalo naman ang Imperyong Otomano sa maraming mga digmaan, gaya ng sa Digmaang Crimea (1853-56), Digmaang Ruso-Turko (1877-78) at Unang Digmaang Balkan (1912-13). Kaya naman ito ay nanghina bilang isang imperyo nuong ia ikalawang bahagi ng dekada 1800,

Ang paghinang ito at napipintong pagbulusok ng Imperyong Otoman ay sinamantala ng ibang mga imperyong Europeano gaya ng Austriya, Italya, Britanya, at Rusiya. Nagmadali ang mga ito na sakupin ang mga teritoryo o palawakin ang kanilang kapangyarihan sa rehiyong Balkan at silangang Europa. Ito man ay nagdulot ng mga di-pagkakaunawaan sa mga sangkot na imperyo.

Ang tila nausong imperyalismo na ito ang isa sa naging motibo at sanhi kung kaya’t natuloy ang Unang Digmaang Pandaigdig … ituloy ang pagbasa

Kaugnay: Mga Dahilang Nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig

Copyright by MyInfoBasket.com