Ano Ang Unemployment?
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Ang mga isyung pang-ekonomiya ay mga paksa ukol sa mga sistemang ekonomiko ng isang lugar, gaya ng bansa; kabilang ang ukol sa trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang yaman, pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo sa isang dako. Nakapaloob dito ang ukol sa unemployment.
Mahalagang maunawaan ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment sa bansa; ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa; at ang mga mungkahi upang malutas ang sulliranin ng unemployment.
Kahulugan at Mga Uri ng Unemployment
Sa simpleng pananalita, ang unemployment ay ang kawalan ng isang tao ng trabaho o hanapbuhay. Ito ay kalagayan kung saan sa kabila ng pagsusumikap ng isang indibidwal na maghanap ng trabaho o hanapbuhay ay nananatili siyang bigo. Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga walang trabaho sa bilang ng mga tao na nasa lakas paggawa (labor force).
Ang unemployment ay maaaring voluntary o involuntary. Ang voluntary unemployment ay nagaganap kapag kusang iniwanan ng isang indibidwal ang kanyang kasalukuyan trabaho, halimbawa ay upang maghanap ng iba pa. Ang involuntary unemployment naman ay isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay inalis sa kanyang trabaho.
Mayroon ding tinatawag na frictional unemployment, ang kawalan ng trabaho dahil sa mga taong nasa proseso ng paglipat mula sa isang trabaho patungo sa iba. Ang cyclical unemployment naman ay ang kawalan ng trabaho na nagreresulta kapag hindi kayang suportahan ng pangkalahatang demand para sa mga kalakal at serbisyo ang full employment sa isang ekonomiya. Nangyayari ito sa mga panahon na mabagal ang paglago ng ekonomiya o sa mga panahon ng pag-urong ng ekonomiya, gaya ng kapag may resesyon.
Ang structural unemployment ay kawalan ng trabaho na resulta ng pag-sasaayos ng industriya, karaniwang dahil sa pagbabago sa teknolohiya na naghahanap ng bagong kasanayan, kaya inaalis sa paggawa ang walang akmang kwalipikasyon.
Nagkaroon naman ng temporary unemployment o pansamantalang kawalan ng trabaho sa Pilipinas nuong 2020 dahil sa COVID-19. Sinabi ng nuo’y Finance Secretary na si Carlos Dominguez na nasa 1.2-million ang temporary unemployment ng Pilipinas sa pasimula ng krisis. (© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com)
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Mga Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Unemployment
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.