RH Law: Ilang Positibong Layunin
RH Law: Ilang Positibong Layunin
ni Jens Micah De Guzman/MyInfoBasket.com
Bagamat may mga tumutuitol sa Reproductive Health Law (RH Law) sa Pilipinas, mayroon rin namang mga buong konbiksiyong sumusuporta rito. Narito ang ilang mga magagandang layunin ng batas na kalimitang binabanggit:
1. Ang Reproductive Health Law (RH Law) ay nakasentro sa “Responsible Parenthood,” o responsibilidad ng mga magulang sa pagpaplano ng kanilang pamilya.
Kung sakaling walang akses sa karampatang impormasyon at serbisyo ang mga magulang, may responsibilidad ang pamahalaan na ibigay ito.
2. Isinasa-alang-alang ng RH Law ang kumpletong pisikal, mental, at panlipunang kagalingan ng mga mamamayan (lalo nan g mga ina) na may kinalaman sa reproductive system.
Ang reproductive health ay responsibilidad ng pamahalaan at bahagi ng karapatan ng mga kababaihan. Kinikilala ng RH Law na ito ay integral sa pangkabuuang pangangalaga ng kalusugan at partikular na tumutugon sa pangangailangan ng kababaihan.
3. Kasamang nilalayon ng RH Law ang para sa pagkontrol ng populasyon o population managementbilang sagot sa kahirapan.
Ganunpaman, para makipagkompromiso sa Simbahang Katoliko, tinanggal sa RH Bill nuon ang probisyon na nagtatakda ng population target o target na populasyon.
Ang pagsusulong sa reproductive health ay hindi limatado sa RH Law. Makatutulong din ang determinado, kolektibo, at organisadong aksiyon ng kababaihan, na mapakikinggan ng mga sangay ng gobyerno upang umaksiyon sa karapatan ng kababaihan, gaya ng ukol sa reproductive health … ituloy ang pagbasa
Kaugnay: Ilang Saloobin sa Reproductive Health Law
Sang-ayon ka ba sa RH Law?
Upang makabahagi sa makabuluhang talakayan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan, tingnan ang artikulong “RH Bill: Online Voting and Open Friendly Debate” sa www.OurHappySchool.com.
SA MGA MAG-AARAL: Maaaring ilagay ang inyong assignment/comment dito sa comment section ng Republic Act 1425 PH Law
Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog
IMPORTANT:
TO STUDENTS (and their friends/relatives): For your comments NOT to be DELETED by the system, pls SUBSCRIBE first (if you have not subscribed yet). Thanks.
=====
To post comment, briefly watch this related short video: