Pakikipagkapwa-tao: Pagtanggap sa pagkakaiba, hindi pagpataw ng sarili

© by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio

Importanteng nakikilala na ang pakikipagkapwa-tao ay ang pagtanggap sa pagkakaiba ng kapwa at hindi pagpataw ng sarili. Hinihingi ng tamang pakikipagkapwa-tao na huwag igiit ninoman ang kaniyang sarili sa iba na maaaring may ibang gusto o ibang personalidad.

Sa pilosopiya, ang isang katumbas ng pakikipagkapwa-tao ay ang tinatawag sa English na intersubjectivity. Ang intersubjectivity ay ang sikolohikal na relasyon sa pagitan ng mga tao.

Karaniwang ginagamit ito para bigyang-diin ang likas nating pagkataong panlipunan. Ang tao ay likas na nakikipagkapwa-tao o nakikisalamuha sa iba. Ang sabi nga, “No man is an island.”

Ang Intersubjectivity

Isa sa mga katumbas na konsepto ng pakikipagkapwa-tao ang intersubjectivity. Ang salitang intersubjectivity ay ginagamit ng mga panlipunang siyentipiko bilang terminong naglalarawan sa maraming interaksiyong pantao. Ito’y ginamit sa agham panlipunan upang tumukoy sa pagkakasundo.

May intersubjectivity sa pagitan ng mga tao kung nagkasundo sila sa isang takdang kahulugan o depinisyon ng isang sitwasyon.

Nagmula ang konsepto ng intersubjectivity sa teoryang sosyal ni Jurgen Hebrmas, na ginamit ang ekspresyong “ang intersubjectivity ng magkaayon na pagkaunawa” (“the intersubjectivity of mutual understanding”). Binigyang-kahulugan ni Thomas Scheff ang “intersubjectivity” bilang “ang pagbabahagi ng pansariling kalagayan ng dalawa o higit pang indibidwal.”

Ang mga nagtataguyod ng intersubjectivity ay nagtataguyod ng pananaw na ang pang-indibidwal na paniniwala ay kadalasang resulta ng paniniwala ng mga komunidad ng kaisipan (thought community beliefs), at hindi lang ng personal na karanasan o unibersal at obhetibong paniniwala ng tao. Sinasabing isinasaayos natin ang ating mga paniniwala batay sa pamantayan na itinatakda ng mga komunidad ng kaisipan

Basahin ang karugtong: Ang pagtanggap sa pagkakaiba at hindi pagpataw ng sarili

© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:

– 6.1 Nakikilala na ang pakikipagkapwa-tao ay ang pagtanggap sa pagkakaiba ng kapwa at hindi pagpataw ng sarili.

SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage

Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog