Pagkalinga sa kapaligiran: Tulong sa kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran
© by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Ang pagkalinga sa kapaligiran ay nakatutulong sa pagkamit ng kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran. Ito ay sapagkat may dinamikong salimbayan sa pagitan ng tao at ng kaniyang kalikasan. Ang ganitong kabatiran ay nagbibigay kapasidad sa mga tao na maging mulat sa kanilang relasyon sa kalikasan at sa mga kaakibat nilang na responsibilidad sa kanilang kapaligiran.
Di maikakaila na banta sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang mga problemang pangkalikasan. Mapatutunayang ang mga suliraning pangkalikasan ay nagiging sanhi ng kanser, impeksiyon, sakit sa baga, abnormalidad sa pagbubuntis, at iba pang nakamamatay na sakit kapuwa sa matatanda at mga bata sa buong mundo.
Nagbubunga ang mga suliraning pangkalikasan ng pagkawala ng mga likas na yaman gaya ng mga yamang lupa at tubig. (Kaugnay: Likas na Yaman ng Pilipinas: Mga Produkto at Hanapbuhay na Nagmumula sa mga Yamang Lupa at Tubig). Nilalason ng mga ito ang pinagmumulan ng ating pagkain at tubig, gayundin ay nagiging sanhi ang mga nito ng pagguho ng lupa at biglaang pagbaha, pagkawala ng bilyon-bilyong ari-arian, at libu-libo hanggang milyun-milyong pagkamatay sa buong mundo.
Nararanasan ang masasamang epekto ng mga suliraning pangkalikasan maging sa ating bansa. Matagal nang nakakasagupa ang mga Pilipino ng mga mapaminsalang katastropiya na naninira ng tirahan ng maraming pamilya Ang mga suliraning pangkalikasan ay sumisira rin ng bilyun-bilyong halaga ng pag-aari, nagwawasak ng mga imprastrktura, mga pasilidada pang-agrikultura, at pangkabuhayan, at kumikitil sa buhay ng libu-lubong mga tao.
Sa kabila ng mga nakahihindik na karanasan, nakalulungkot na maraming Pilipino ang nananatiling hindi alam ang kanilang responsibilidad sa kanilang kalikasan—patuloy sa pagtatapon ng basura kahit na saan, pagsusunog ng plastik, pagbubuga ng usok, at iba pang hindi nararapat na gawain.
Kung ang pag-aabuso sa kalikasan ay nagdudulot ng perwisyo sa tao, ang pagkalinga naman sa kapaligiran ay makatutulong sa pagkamit ng kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran. Tunay nga, ang pag-aalaga ng kalikasan ay nagbibigay sa ating lahat ng napakaraming magaganda at kapaki-pakinabang na bagay: mula sa magagandang tanawin, malinis na tirahan, at masustansiyang pagkain, hanggang sa pagpapanatili ng balance sa kalikasan na kailangan para masuportahan ang buhay dito sa daigdig.
Ang malinis na kapaligiran ay lubhang kailangan hindi lamang ng ating sariling kalusugan, kundi sa ikapananatili ng lahat ng buhay na nilalang. Ang hangin na ating nilalanghap ang pinaka-esensiyal na yaman na ibinibigay sa atin ng kapaligiran, kaya dapat tayong lalong magsikap na mabawasan ang polusyon sa hangin …
Ituloy ang pagbasa sa karugtong: Mga pamamaraan sa pangangalaga sa kapaligiran
© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 4.3. Napatutunayan na ang pagkalinga sa kapaligiran ay nakatutulong sa pagkamit ng kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran (PPT11/12PP-Ij-4.3)
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage
Also Check Out: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog