Paghahambing sa Mga Lipunan: Agraryo, Industriyal at Birtwal
Paghahambing sa iba’t ibang uri ng lipunan: Agraryo, Industriyal at Birtwal
© Marissa G. Eugenio
Layuning Pampagkatuto:
– 7.2 Nakapaghahambing ng iba’t ibang uri ng lipunan (hal. agraryo, industriyal at birtwal)
May iba’t ibang uri ng lipunan. Ang mga pangunahing uri ay agraryo, industriyal, at birtwal. Talakayin nating isa-isa:
a. Lipunang agraryo
Nakadepende sa produksiyon ng pagkain na gumagamit ng araro at alagang hayop ang isang lipunang agraryo (o pagsasaka). Maaaring mayroon din ang ganitong lipunan ng iba’t ibang paraan ng pakikipagkalakalan at pangkabuhayan, subalit nakatuon din ang mga ito sa halaga ng agrikultura at pagtatanim.
Eksistido na ang mga agraryong komunidad sa iba’t ibang parte ng mundo noon pang 10,000 taon na ang nakararaan at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Sila ang pinakakilalang uri ng pang-ekonomiyang kaayusan sa malaking bahagi ng naitalang kasaysayan.
Ang uring ito ng lipunan ay umiiral pa rin sa kasalukuyan lalo na sa mga malalayong baryo sa Pilipinas. (Ituloy ang pagbasa: Ang Lipunang Agraryo: Mga Katangian)
b. Lipunang industriyal
Sa lipunang industriyal, ang mga teknolohiyang kayang magparami ng produksiyon ay ginagamit upang makagawa ng maraming produkto sa mga pabrika. Ito ang pangunahing paraan ng produksiyon at siyang salik sa pagsasaayos ng buhay sa lipunan.
Hindi lamang nagtatampok lipunang industriyal ng mga pabrika para sa bultuhang produksiyon kundi mayroon din itong partikular na istrukturang panlipunan na nakadisenyo para suportahan ang gayong mga pagawain.
Ang gayong lipunan ay karaniwang naka-organisa ayon sa hirarkiya ng uri ng mga kasapi at nagtatampok ng istriktong pagkakabaha-bahagi ng gawain sa mga manggagawa at nagmamay-ari ng mga pabrika. (Ituloy ang pagbasa: Ang Lipunang Industriyal: Kasaysayan at Mga Katangian)
c. Birtwal na komunidad
Ang virtual community ay isang komunidad ng mga taong may magkakatulad na interes, ideya, at nararamdaman, gamit ang Internet o iba pang network.
Ang posibleng umimbento ng terminong ito at isa sa mga unang nagtaguyod nito ay si Howard Rheingold, na bumuo ng isa sa mga unang malalaking komunidad sa Internet, na tinatawag na “the Well.”
Ipinaliwanag ni Rheingold sa kaniyang librong The Virtual Community ang mga birtwal na komunidad bilang sosyal na pagsasama-sama na umuusbong mula sa Internet kapag may sapat na tao na magtataguyod ng pampublikong diskusyon sa mahaba-habang panahon. (Ituloy ang Pagbasa: Ang Birtwal na Komunidad: Mga Katangian at Pamamaraan)
© Marissa G. Eugenio
Mga kaugnay na lektura: (mahahanap sa search engine ng MyInfoBasket.com, bandang itaas)
Ang Lipunang Industriyal: Mga Katangian
Ang Lipunang Industriyal: Kasaysayan at Mga Katangian
Ang Birtwal na Komunidad: Mga Katangian at Pamamaraan
Kaugnay na artikulo: Mga Ideolohiyang Politikal
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 7.2 Nakapaghahambing ng iba’t ibang uri ng lipunan (hal. agraryo, industriyal at birtwal)