Mga Katangiang Dapat Taglayin sa Pakikilahok sa Mga Gawain at Usaping Pansibiko
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Matutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko
May mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko. Ang ilan rito ay ang mga binanggit ni Atty. Jay De Castro sa kaniyang online article na “Mga Katangian at Pamantayan ng Mabuting Mamamayan” (2012):
1. Nakiki-alam sa mga di-kaayusan at kaguluhan ng lipunan. Mapanaliksik ng mga kalutasan sa mga problema ng bayan.
2. Matulungin sa mga makatao at makabayang layunin ng pamahalaan.
3. Mapangalaga sa kultura at mabubuting kaugalian ng bayan.
4. Maalab na tagapagtanggol sa kasarinlan at kalayaan ng bayan.
Idinagdag pa ni De Castro na, “Upang maging mabuting bahagi at matibay na haligi sa pagbubuo ng isang ligtas, mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na bayan, kinakailangang itama at isaayos natin ang ating relasyon sa Diyos, sa ating sarili, pamilya, kapwa, kalikasan at pamahalaan” (De Castro, 2012).
Itinuro naman ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog na mula mismo sa “Panatang Makabayan” ng mga Pilipino ay may mahahangong mga katangian na dapat taglayin ng mga mamamayan sa bansa, na magagamit sa aktibong pakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko:
1. Iniibig ang Pilipinas bilang lupang sinilangan, tahanan ng lahi
2. Malakas, masipag, at marangal—bunga na rin ng pagkupkop at pagtulong ng bansa
3. Sa panig ng mga anak—dinirinig ang payo ng magulang
4. Sa panig ng mga mag-aaral—sinusunod ang tuntunin ng paaralan
5. Tinutupad ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan
6. Naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan
7. Handang ialay ang buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas. (© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com)
Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog