‘May kahihinatnan ang bawat pagpili’
© by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Mahalaga sa isang indibidwal na kaniyang nakikilala na may kahihinatnan ang bawat pagpili. Ang iyong pagpili ang humuhubog sa iyo na maging kakaiba o natatangi sa iba. Ang mga desisyon na ginagawa mo ay may pangmatagalang epekto sa iyong buhay.
Ang ating pang-araw-araw na buhay ay isang serye ng pagpili na ating ginagawa sa ating buong buhay. Nabubuhay tayo sa pamamagitan ng mga bagay na ating pinili hanggang sa katapusan ng ating buhay. Malaya tayong piliin ang ating aksiyon, subalit hindi tayo malaya sa mga kahihinatnan ng ating mga desisyon.
May kakayahan tayo, bilang mga tao, na piliin ang daan na gusto nating ibuhay. Nilikha tayo ng Diyos na may kaisipang malaya na makapamili. Subalit dapat tayong maging responsible sa ating mga pinipili.
Tila ang lahat sa buhay ay tungkol sa kung paanong ang ating mga pinili ay nakakaimpluwensiya sa kung magiging ano tayo at ano ang magiging direksiyon ng ating buhay dahil sa ating mga desisyon. Ang ating lakbayin sa buhay ay nakadepende sa ating mga nais dahil ang pagpili ay may kahihinatnan.
Mapapansin na ang masama ay laging tutuligsain at ang isang mabuting gawa na ginawa nang may mabuting intensiyon ay laging may ganting kaukulang pabuya. Hindi mahalaga kung kailan ito darating—ang pabuya sa mabuting gawi ay laging matutupad. (© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio)
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 5.3 Nakikilala na: a. May kahihinatnan ang bawat pagpili. (PPT11/12BT-IIb n5.3)
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog