Masinop na pakikibagay sa kapwa-nilalang sa kapaligiran
© by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 4.4. Nagiging masinop sa pakikibagay sa kanyang mga kapwa nilalang at sa kapaligiran (PPT11/12PP-Ij-4.4)
Importanteng matutuhan ang pagiging masinop sa pakikibagay sa mga kapwa-nilalang at sa kapaligiran. Dapat matutunan ang mga birtud gaya ng katalinuhan sa pagpapasya o kahinahunan (prudence) at pagiging matipid (frugality) sa paggamit sa kalikasan.
Tama lang na tratuhin ng tao ang kaniyang kalikasan bilang kasama sa pag-preserba ng buhay at dapat na makita niya ang halaga ng mga bagay sa kapaligiran. Kaya importante na magpamalas ng katalinuhan sa pagbabaha-bahgi ng limitadong pinagkukunang-yaman at dapat na protektahan at ma-preserba ang kalikasan para sa ikauunlad ng mga tao at ng lipunan.
May malaking papel ang katalinuhan at pagiging matipid para sa kapakanan ng kalikasan. Halimbawa, kapag ginamit ng tao ang kaniyang katalinuhan, bibili siya nang bultuhan ng mga bagay na regular o araw-araw niyang ginagamit. Bagaman parang magastos ang ganitong gawi, kadalasang mas nakakamenos kapag bultuhan kaysa kapag bumili nang pating-tingi.
Gayundin, mas kakaunti ang gagamitin para ibalot ang isang bulto kumpara sa pagbalot sa pailan-ilang piraso. Makakabawas ito sa polusyon at basura na naiipon kapag dinispatsa na ang mga pinagbalutan.
Kadalasan, ang salitang pagkamatipid ay ginagamit sa pera o salapi. Subalit kapag ang termino ay ginamit naman sa kalikasan, nangangahulugan ito na kailangang konserbahin at protektahan ang kalikasan.
Ang pagkamatipid at pagiging matalino sa pagpapasya ay lumilikha ng isang uri ng daigdig na mabuti para sa kalikasan. Nangangahulugan ito ng paggawa at paggamit sa mga pinagkukunang yaman sa kalikasan nang may kahinahunan at katalinuhan, at may respeto sa kapaligiran at buhay ng mga nilalang … ituloy ang pagbasa
Matuto pa: Mga Gabay ssa Pakikisalamuha
© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage
Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog