Katatayuan Ng Kababaihan, Lesbians, Gays, Bisexuals, At Transgender Sa Iba’t Ibang Bansa At Rehiyon

© Vergie M. Eusebio at Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Napaghahambing ang katatayuan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexuals, at transgender sa iba’t ibang bansa at rehiyon

Ang Katatayuan ng Kababaihan at ng Iba’t Ibang Sekswalidad sa mga Bansa

Narito ang isang paghahambing sa katatayuan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexuals, at transgender sa iba’t ibang bansa o rehiyon:

Ang Katatayuan ng mga Kababaihan

Iba’t iba ang antas o digri ng pagtanggap sa mga kababaihan sa lipunan sa mga bansa at rehiyon.

Noong 2007, ipinasa ng Mexico ang batas na nagpapaigting sa eksistidong batas laban sa karahasan sa kababaihan.

Sa Morocco, naisulong ang pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan ukol sa kasal at diborsiyo nang ipasa nito ang bagong Family Code nung 2004. Ganunpaman, sa bansang ito (at maging sa Saudi Arabia), ang mga biktima ng panggagahasa ay maaaring kasuhan ng krimen.

Ang mga kababaihan ay maaaring parusahan sa pag-alis ng bahay nang walang kasamang lalaki, sa pananatili sa isang lugar na ang kasama lamang ay isang lalaking hindi niya kaanu-ano, at sa pagdadalantao dahil dito.

Ang mga rapist ay maaaring maghabol ng mga karapatan bilang magulang sa pitong estado sa Estados Unidos. Walang anumang mga batas na humahadlang sa mga rapist na habulin ang mga karapatan bilang magulang sa Maryland, Alabama, Mississippi, Minnesota, North Dakota, Wyoming, at New Mexico.

Pinayagan ng Saudi Arabia ang mga kababaihan na bumoto simula sa 2015 ngunit noon lamang 2018 pinayagan ang mga babae na magmaneho ng sasakyan.

Sa Arab Republic ng Ehipto, ang isang may-asawang babae ay maaari lamang umalis ng bahay sa mga layuning pinapayagan ng batas o kaugalian, o kung may pahintulot ng asawa. Ang paglabag rito ay magbubunga ng pagkawala ng kaniyang karapatan sa suportang pinansiyal. Ang mga katulad na batas ay umiiral sa may 16 na ibang mga bansa.

Sa Israel, ang isang babae ay nangangailangan ng pahintulot ng asawa upang makakuha ng diborsyo. Ang isang asawang lalaki sa Nigeria ay pinahihintulutan na saktan ang kanyang asawa, sa ilalim ng Seksyon 55 ng Penal Code, sa layuning “ituwid” siya.

Sa Yemen, ang isang babae ay itinuturing na kalahating saksi lamang. Iyan ang patakaran sa pagbibigay ng testimonya sa Yemen, kung saan ang isang babae ay hindi kinikilala bilang isang buong tao sa hukuman.

Ang patotoo ng isang babaeng walang asawa ay hindi sineseryoso maliban kung ito ay suportado ng patotoo ng isang lalaki. Ang mga kababaihan ay hindi maaaring magpatotoo sa anumang paraan sa mga kaso ng pangangalunya, libelo, pagnanakaw o sodomya.

Sa Yemen pa rin, ang mga kababaihan ay hindi maaaring umalis sa bahay nang walang pahintulot ng kanilang asawa, maliban na sa ilang emergency exception gaya ng kung maysakit ang mga magulang.

Ayon sa ulat ng Action Aid noong 2016, ang karamihan sa mga kababaihan sa buong mundo ay nakaranas ng karahasan at pang-aabuso sa mga lansangan ng kanilang mga lungsod, gaya ng 89% ng mga kababaihan sa Brazil, 86% sa Thailand at 79% sa India.

Bukod dito, 18 lamang sa 173 na bansa ang may tiyak na batas ukol sa sexual harassment sa mga pampublikong lugar (World Bank, 2016).

Mayroong mahigit sa 30 na mga bansa kung saan kailangan ng kababaihan ng pahintulot ng kanilang asawa sa pag-aapply para sa pasaporte. Sa may 30 na mga bansa, hindi makakapili ang mga kababaihan ng lugar na matitirhan.

Sa Pilipinas, ang mga babae ay maituturing na higit na nagtatamo ng kapantayan sa mga lalake. May mga babae na naging presidente na ng bansa (Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo), naging Punong Hukom sa Korte Suprema (Maria Lourdes Sereno), mga senador, kongresista, miyembro ng kabinete, punong lungsod o bayan, kapitan ng barangay, at iba pa.

Ang Katatayuan ng LGBTQ+

Ayon sa Williams Institute, ang pinaka-tumatanggap na mga bansa sa LGBTQ+ ay ang Iceland, Netherlands, Norway, Canada, at Spain batay sa pag-aaral na ginawa noong 2014-2017. Ang mga bansa naman na pinaka hindi tumatanggap ay ang Ethiopia, Azerbaijan, Senegal, Tajikistan, at Somaliland.

Ang Netherlands ang unang bansa na nagpahintulot sa mga taong transgender na pumasok sa militar noong 1974, ayon sa CNN. Ang Thailand ay isa sa mga pinakabagong bansa na tumanggap ng mga sundalong transgender, ngunit pinahihintulutan lamang silang maglingkod sa administratibong kapasidad. (Kaugnay: Ano ang Gender and Sexuality?)

Ang Peru, Italy, at Greece ay ginawang ligal ang civil unions para sa mga same-sex partners. Ang Ecuador ay isa sa pinakahuling mga bansa na ginawang ligal ang same-sex marriage. Ang unang bansang gumawa nito ay ang Netherlands noong 2001.

Noong 2015, pinasyahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos na ang mga same-sex couples ay may konstitusyonal na karapatang mag-asawa sa lahat ng 50 estado nito.

Ang Australia ay opisyal na naging ika-26 na bansa na ginawang ligal ang same-sex marriage noong Disyembre 2017. Sa bansang ito, ang LGBTI ay ginagamit kung saan ang “I” ay tumutukoy sa “intersex” o sa mga isinilang na may atypical physical sex characteristics.

Binago din ng Alemanya ang mga batas nito upang payagan ang same-sex marriage, tulad ng ginawa ng Malta, Bermuda, at Finland. Pinagpasiyahan ng mataas na korte ng Austria na ang mga magkakaparehong kasarian ay maaaring magpakasal mula 2019.

Hanggang 2019, may 28 na mga bansa na ang kumikilala sa same-sex marriage: Argentina, Australia, Austria, Belgium, Brazil, Canada, Colombia, Denmark, Ecuador, Finland, France, Germany, Greenland, Iceland, Ireland, Luxembourg, Malta , Mexico, Netherlands, New Zealand, Norway, Portugal, South Africa, Spain, Sweden, Taiwan, United Kingdom, Estados Unidos at Uruguay.

Sa kabilang banda, may 6 na mga bansa na epektibong nagpataw ng parusang kamatayan sa consensual same-sexual acts: tatlo sa Asya (Iran, Saudi Arabia at Yemen) at tatlo sa Africa (Nigeria, ang mga hilagang estado; Sudan; at Somalia, ang rehiyong Jubaland).

Sa Nigeria, may batas na nagbabawal sa pagsuporta sa LGBTQ na may kaukulang parusa na pagkabilanggo ng hanggang 10 taon.

Mayroong 73 na bansa—karamihan sa Gitnang Silangan, Africa, at Asya—kung saan ang homosexual activity sa pagitan ng mga consenting adults ay iligal, ayon sa Equaldex, isang website para sa karapatan ng LGBT.

Sa Russia, ang isang pederal na batas na ipinasa noong 2013 ay ginawang iligal ang pagpapakalat ng propaganda ukol sa hindi tradisyonal na relasyon sa sekswalidad o kabaklaan.

Mula noong 2016, ang mga komunidad ng gay at transgender ng Indonesia ay nakaranas ng homophobic rhetoric mula sa mga pulitiko at mga opisyal ng relihiyon, mga pag-atake sa mga nagsusulong sa LGBTQ, at pag-aresto sa daan-daang consenting adults sa raids sa mga hotel, club at sauna.

Sa Penal Code ng Singapore ay kinikilalang krimen ang pagtatalik ng magkaparehong kasarian na may parusang hanggang dalawang taon na pagkakulong. May parusahang kamatayan ang kabaklaan sa Mauritania, Sudan, at Hilagang Nigeria, habang maaring habambuhay na pagkabilanggo naman sa Uganda, Tanzania, at Sierra Leone.

Lima lamang sa mga bansa sa mundo—Bolivia, Ecuador, Fiji, Malta at UK—ang may konstitusyon na malinaw na ginagarantiyahan ang pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay sa sexual orientation at gender identity, ayon sa isang pag-aaral ng UCLA noong 2016.

Sa Pilipinas, kinatigan ng Korte Suprema noong Abril 8, 2010 ang paglahok ng LADLAD, ang party list ng LGBTQ community, sa eleksiyon (bagaman hindi ito nakakuha ng sapat na boto para magkapuwesto sa Kongreso noong 2010 at 2013). Noong Marso 3, 2009, pinahintulutan ng Pilipinas ang pagpasok sa Philippine Armed Service ng mga biseksuwal … ituloy ang pagbasa

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu na nais mong hanapin (e.g. political dynasty, migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog

Related: Same Sex Marriage: Good or Bad for our Society?

TALAKAYAN

1. Sa tingin mo, angkop ba ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill sa Pilipinas? Depensahan ang iyong sagot.

2. Talakayin ang mga konsepto ng gender, sex, at sexuality.

3. Anu-ano ang mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian? Talakayin isa-isa.

4. Talakayin ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa iba’tbang larangan at institusyong panlipunan (trabaho, edukasyon, pamilya, pamahalaan, at relihiyon).

5. Paghambingin ang katatayuan ng kababaihan, lesbians, gays, bisexuals, at transgendern sa iba’t ibangbansa at rehiyon.

6. Ano ang dokyumentaryo? Paano ang pagbuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad?

TAKDANG-ARALIN

E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin

a. Sa search engine ngMyInfoBasket.com, hanapin ang blog na “Sex Education: Angkop ba sa Pilipinas?”

b. Basahin ang lektura.

c. I-share ang artikulo sa iyong social media account kasama ng iyong sagot sa tanong na: Sa tingin mo, angkop ba ang sex education sa Pilipinas? Depensahan ang iyong sagot. Gumamit ng #SexEducation #RHLaw

e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga pamilyadong tao) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.

f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.

=====

Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu