Ang Migrasyon at Globalisasyon: Ang Mutwal na Relasyon

Noong 2000, kinilala ng International Monetary Fund (IMF) ang migrasyon at paggalaw ng mga tao bilang isa sa apat na mga pangunahing aspeto ng globalisasyon, kasama ng kalakalan at mga transaksiyon, kapital at paggalaw ng pamumuhunan (investment movement), at ang diseminasyon ng kaalaman.

Masasabing mutwal ang relasyon ng migrasyon at globalisasyon. Dahil sa migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo, umigting ang prosesong globalisasyon.

At dahil naman sa mga idinulot ng globalisasyon, lalo namang napadali ang mga paglalakbay at ang migrasyon ng mga tao.

Para sa mga epekto ng migrasyon, panuorin ang educational video. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):

Sa gitna ng nagaganap na globalisasyon, naging gampanin ng gobyerno at proyekto ng mga institusyon na bumuo at magpalago ng mga sistema ng transportasyon, para na rin sa pagpapalitan ng produkto at sa migrasyon.

Naging gampanin naman ng mga paaralan na magkaloob ng edukasyon, kaalaman, at mga kasanayang tumutugon sa tawag at hamon ng globalisasyon at migrasyon.

Ang mga araling katulad ng paggamit ng kompiyuter, Internet, mga wikang banyaga, at mga kultura, tradisyon, kaugalian, at batas sa iba’t ibang bansa ay naging bahagi ng kurikulum sa maraming paaralan at kurso.

Pansinin na ang mga araling nabanggit ay mahalaga sa mga taong nagpupunta sa ibang bansa o sa mga nagbabalak na magsagawa ng migrasyon sa hinaharap.

Parami nang parami na rin ang mga paaralan, lalo na ang mga pribado, ang kumikiling sa pag-aalok ng edukasyong internasyonal.

Dahil sa pinabilis at pinadali ng globalisasyon ang migrasyon, maraming paaralan sa iba’t ibang bansa ang mayroon na ring mga programa para sa mga banyagang mag-aaral.

Copyright by Jensen DG. Mañebog