Ang mga Ugnayang Nabuo Dahil sa Sistemang Lipunan

© Jensen DG. Mañebog at Marissa G. Eugenio

Layunin sa Pampagkatuto:
7.4. Nakapagtatas ang mga ugnayang nabuo dahil sa sistemang lipunan na kinabibilangan niya at kung paano hinubog ng lipunan ang indibidwal.

Binabago ng sistemang panlipunan ang mga relasyong pantao at binabago ng lipunan ang ang mga indibidwal. Ang napapanahong halimbawa na maaari nating ibigay para rito ay ang kaso ng globalisasyon sa makabagong mundo.

Nagpapabago ang Globalisasyon

Sa mamalim na sentido, inililipat ng globalisasyon ang kapangyarihan mula sa interes ng publiko patungo sa pribado, na kalaunan, ay nagbubunga ng personal na pagbabago, at serye ng pagpapalit ng isipan at pag-uugali.

Sa mga nagsusulong ng globalisadong kapitalismo, ito umano ay nagpabago ng hugis ng relasyon sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan, matatanda at bata, mga tao mula sa iba’t ibang kultura, at iyong mga may iba’t ibat lebel ng komptensiyang pangteknolohiya.

Ini-engganyo nito ang mga tao na tipirin ang limitadong mapagkukunan, ibahagi ang kanilang yaman at oportunidad, protektahan ang karapatan ng iba, at magtulungan para isulong ang pangkalahatang kabutihan, gaya ng pangmatagalang kapakanan ng daigdig at ang hibla ng lipunan kung saan nakadepende ang lahat ng ating kinabukasan.

Idagdag pa na lalong nagiging mapagkumpitensiya ang mga tao dahil ang indibidwalismo at materyalismo na itinataguyod ng globalisadong kapitalismo.

Globalisasyon ng kultura

Tumutukoy ang globalisasyon ng kultura sa pagpapaigting at pagpapalawak ng daloy o palitan ng kultura sa daigdig.

Ang kultura ay isang malawak na konsepto at madalas na ginagamit para ilarawan ang kabuuang karanasan ng tao, kasama na ang pang-ekonomiya at politikal. Ang globalisasyon ng kultura ay tumutukoy sa simbolikong konstruksiyon, artikulasyon, at diseminasyon ng kahulugan. Dahil ang lengguwahe, musika, at mga imahe ay bumubuo sa pangunahing uri ng ekspresyong simboliko, mayroon silang espesyal na halaga sa larangan ng kultura.

Ang isang aspeto ng globalisasyon ng kultura ay ang daloy ng ilang cuisine o uri ng pagkain gaya ng American fast food chains. Ang dalawa sa pinakamatagumpay na pandaigdigang tindahan ng pagkain at inumin, ang McDonald’s at Starbucks, ay mga Amerikanong kompanya na madalas nababanggit bilang mga halimbawa ng globalisasyon, na may libu-libong lokasyon o sangay sa buong mundo.

Kaya, binuo ng Amerikanong sosyolohista na si George Ritzer ang terminong McDonaldization para tumukoy sa mga prinsipyo ng fast food restaurant na dumarating upang dominahin ang lalong maraming sektor ng lipunang Amerikano gayundin ang buong mundo.

Isa ring mahalagang aspeto ng globalisasyong pangkultura ang pagbabago sa mga dibuho ng lennguwahe sa buong mundo. Sa globalisasyon ng lengguwahe, ang ibang lengguwahe ay ginagamit sa pandaigdigang pakikipagtalastasan samantalang ang iba ay isinasantabi at minsan ay tuluyang nawawala.

May magkakaibang isipan tungkol sa epekto ng globalisasyon sa lengguwahe. Sinasabi ng iba na patungo ito sa pagpapatatag ng mga katutubong wika. Sa kabilang dako, tinataya ng iba ang pag-usbong ng tinatawag na “globish’ na lengguwahe.

Mayroong hindi bababa sa limang dahilan na nakaiimpluwensiya sa globalisasyon ng lengguwahe: (a) bilang ng lengguwahe, (b) paggalaw ng mga tao, (c) pagkatuto ng banyagang wika at turismo, (d) lengguwahe ng Internet, at (e) internasyonal na lathalaing siyentipiko. (Ituloy ang pagbasa: Ang Globalisasyon ng Kultura: Malawak na pagtalakay)

© Jensen DG. Mañebog at Marissa G. Eugenio

KAUGNAY NA LEKTURA (mahahanap sa search engine ng MyInfoBasket.com):
Ang Globalisasyon ng Kultura: Ang Dimensiyong Kultural ng Globalismo

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:  
7.4. Nakapagtatas ang mga ugnayang nabuo dahil sa sistemang lipunan na kinabibilangan niya at kung paano hinubog ng lipunan ang indibidwal.

Related article: SOME PROBLEMS WITH GLOBALIZATION