Ang Mga Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Unemployment
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment
Mahalagang naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment. Ito ay bahagi ng pagtugon sa kontemporaryong isyung ito.
Narito ang ilan sa mga dahilan ng unemployment batay sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog:
1. Hindi tugmang trabaho
Sinasang-ayunan maging ng Senador ng Pilipinas na si Joel Villanueva, na ang suliranin sa hindi tugmang trabaho sa Pilipinas ay nagdudulot ng pagtaas ng kawalan ng trabaho.
Ang job mismatch ay sitwasyon kung saan ang mga kwalipikasyon na hinahanap ng mga negosyo, korporasyon, at iba pa ay hindi tumutugma sa mga natapos na edukasyon at pagsasanay ng mga kabataan.
Ayon kay Villanueva, maraming trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa, subalit hindi naman akma ang karamihan ng mga ito sa edukasyon ng mga Pilipino.
2. Mga polisiya ng isang bansa
May mga pang-ekonomiyang polisiya na nakakaapekto sa mga kumpanya at sa paglikha at pag-aalok nila ng mga trabaho.
Halimbawa, sinabi nuon ni Dominique Tutay, nuo’y director ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment na tinatayang magiging kaunti ang mga trabahong iaalok ng ilang kompanya dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2 na nagtatanggal ng tax incentives.
Ang maaari umanong maapektuhan ay ang sector ng industry and services, kasama na ang mga industriya na umaasa sa teknolohiya. Mariin naman itong tinutulan ng mga nagsusulong ng TRAIN 2.
3. Resesyon
Ang economic recession ay nagaganap kapag may pangkalahatang pagbaba sa mga aktibidad pang-ekonomiya.
Nagdudulot ito ng pagkabuwag ng mga kumpanya at lalong pagtaas ng antas ng kawalan ng hanapbuhay. Naranasan ito ng Estados Unidos noong 2007.
Sa resesyon ng ekonomiya, ang pangangailangan para sa mga manggagawa ay umuunti, at ang nawawalan ng trabaho sa panahon ng mga resesyon ay hindi naman tiyak na naibabalik sa panahon ng pagdami ng komersiyal na gawain.
4. Pagpapalit ng teknolohiya
Gaya sa kaso ng structural unemployment, nagkakaroon ng kawalan ng trabaho dahil sa kakulangan ng mga manggagawa ng kinakailangang mga kasanayan sa trabaho bunsod ng paggamit ng bagong teknolohiya.
Ang pagpasok ng bagong teknolohiya ay may kaakibat na pagtanggal sa ilang mga manggagawa at itinuturing ang ilang anyo ng paggawa bilang obsolete o hindi na napapanahon.
Ang paggamit ng mga makabagong makina, halimbawa, ay nagparami sa produksiyon subalit binawasan din nito ang bilang ng kailangang manggagawa.
Ang mga manggagawa na naging hindi na kinakailangan ay nanganganib na pangmatagalang mawalan ng trabaho malibang matuto sila ng mga bagong angkop na kasanayan.
5. Ekonomikong implasyon
Ang inflation ay pagbaba ng kapangyarihan sa pagbili ng pera (currency) ng isang bansa.
Ito ay nagpapahina ng loob sa mga kumpanya na mamuhunan, kaya kaunti ang nalilikhang trabaho.
Sa pagtaas ng presyo at pagbaba ng purchasing power ng isang currency, ang mga lokal na kompanya ay nabibigo rin sa pag-export o pagluluwas ng kalakal, sapagkat hindi kinakayang makipagsabayan o makipagkumpitensiya.
Ang resulta, nagbabawas ng mga manggagawa ang mga kumpanya upang hindi lubusang malugi.
6. Job dissatisfaction
Ang job dissatisfaction (o kawalang-kasiyahan sa trabaho) ay tumutukoy sa negatibong damdamin tungkol sa trabaho o sa work environment.
Ang ilan sa mga kadahilanan nito ay ang hindi magandang kondisyon sa trabaho, sobrang pagtatrabaho, mababang suweldo, kawalan ng promosyon, career advancement, at recognition. Malamang na hindi magtagal sa trabaho ang isang tao kung wala siyng kasiyahan duon.
7. Paglobo ng populasyon
Ang populasyon ng Pilipinas ay patuloy na nadaragdagan taun-taon na nagreresulta sa hindi matumbasang bilang ng mga trabaho na ipagkakaloob sa mga mamamayan.
Nagkakaroon ng unemployment kapag hindi matapatan ng mga kumpanya ang dami ng mga gustong magtrabaho.
May mga bansa na nagkakaloob ng welfare payments, halaga na ibinibigay ng pamahalaan sa isang taong may sakit, mahirap, o walang trabaho.
Ito man ay maaaaring makadagdag sa unemployment dahil maaaring magdulot ito ng katamaran at nakawawala ng ganang maghanapbuhay dahil may naaasahan naman sa gobyerno.
8. Diskriminasyon
May mga tao na walang hanapbuhay dahil sa diskriminasyon.
Hindi tinatanggap sa trabaho ang ilang tao dahil sa kanilang nasyonalidad, kulay, lahi o rasa, kasta, taas (height), kaanyuan, kapansanan, katayuan ng pamilya, kasarian, orientasyong sekswal, henerasyon o edad, marital status, relihiyon, social class, criminal record, at iba pa … ituloy ang pagbasa
*Kung may paksa na gusto mong hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pa (hal. globalisasyon, political dynasty, etc.), i-search dito:
Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Related: 15 Helpful Tips to Become a Successful Young Entrepreneur
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Implikasyon Ng Unemployment Sa Pamumuhay At Sa Pag-Unlad Ng Ekonomiya Ng Bansa
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
Check Out: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. MañebogNOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.