Ang Mga Dahilan Ng Mga Suliraning Teritoryal At Hangganan (Territorial And Border Conflicts)
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts)
Mahalagang natatalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts). Bahagi ito ng pagkakaroon ng matalinong pagtugon sa kontemporaryong isyu na ito.
Mga Sanhi ng mga Suliraning Teritoryal at Hangganan
Ang territorial dispute and border conflict ay pagtatalokung saan dapat itakda ang hangganan ng teritoryo ng mga naglalabanan o nagtatalong bansa. Narito ang ilan sa mga dahilan ng ganitong mga suliranin:
1. Pang-ekonomiyang interes
Pangkabuhayang interes ang hayag na sanhi ng territorial and border dispute sa West Philippine Sea, o ang pag-aagawan sa mga isla ruon kabilang na ang Paracel islands, Pratas Islands, Scarborough Shoal, Spratly group of islands, Natuna Islands, at maritime boundaries sa Gulf of Tonkin.
Ang pangunahing nag-aagawan ay ang Tsina (People’s Republic of China) at Pilipinas, subalit may pag-aangkin din ang Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam.
Ang pangunahing pinag-aagawan sa West Philippine Sea ay ang pagkukunan ng yamang mineral at fossil fuel, malawak na pangisdaan, deposito ng natural gas (crude oil), at maging ang kontrol sa mahalagang shipping lane.
May sangkatutak na deposito ng langis at natural gas sa West Philippine Sea. Tinatayang may 18-20 trillion cubic feet ng natural gas deposits sa Reed Bank pa lamang. Sa pagtaya ng U.S. Geological Survey, may 28 billion barrels ng oil reserves at aabot sa 900 trillion cubic feet hanggang 2 quadrillion cubic feet na pondo ng natural gas sa mga pinag-aagawang dako.
Dagdag pa rito, 10 porsiyento ng yamang pampangisdaan ng buong daigdig ay nagmumula rito.
2. Pagpapakita ng lakas
Sinasabi ng mga analyst na nais makuha ng Tsina ang mga teritoryo sa West Philippine Sea dahil nais rin nitong magpakita ng lakas sa buong mundo, lalo na sa rehiyong malapit rito, ang Timog Silangang Asya.
Importanteng ruta ng kalakalan at transportasyon ang West Philippine Sea. Sangkatlo (1/3) ng pandaigdigang kalakalan na tinatayang nagkakahalaga ng $5 trilyon ang dumadaan rito.
Sinasabing kapag nakuha ng Tsina ang mga inaangkin nitong mga teritoryo, gagawin nito itong batayan sa pag-aangkin pa ng mga karatig na dako. Kung makokontrol nito ang malawak na rehiyon sa Asya, sinasabing magpapahina ito sa kontrol at impluwensiya ng Estados Unidos sa Pacific Rim.
3. Hindi pagtupad sa nilagdaang kasunduan
Ang halimbawa nito ay ang ginawa ng Germany na territorial expansion sa pamumuno ni Adolf Hitler. Ang ginawa ng Nazi Germany na pagsakop sa mga teritoryo sa pamamagitan ng puwersa ay tahasang paglabag sa isinasaad sa nilagdaan nitong Treaty of Versailles noong matapos ang World War I.
Mauuri rin dito ang ginagawa ng Tsina na pag-aangkin sa mga lugar sa West Philippine Sea. Sa UNCLOS III ay kasamang nakalagda ang Tsina subalit tila hindi nito iginagalang ang nakasaad sa kasunduan na karapatan ng ibang bansa, gaya ng Pilipinas, ukol sa sole exploitation rights ng mga ito sa kanilang exclusive economic zone (EEZ).
4. Pagkakaiba ng kultura, relihiyon, etnikong grupo, o sistemang pampulitika
Ang ilang hindi pagkakaunawaan sa hangganan ay mula sa pagkakaiba-iba ng mga kultura, relihiyon, etnikong grupo, o mga sistemang pampulitika. Ang halimbawa nito ay ang labanan ng Israel at Palestina na nagsimula noon pang 1948. Sinasabi ng Israel na simula pa noong “panahon ng Biblia,” pag-aari na nito ang lupain sa silangan ng dagat Mediterranean.
Halimbawa din ng hindi pagkakaunawaan sa hangganan dahil sa pagkakaiba-iba ng relihiyon ang pagtatalo ng India at Pakistan na parehong nag-aangkin sa Kashmir. Ang hindi pagkakaunawaan sa hangganan sa pagitan ng Turks at Kurds ay dahil naman sa pagkakaiba-iba sa etniko.
5. Walang malinaw na hangganan
Ang isa pang dahilan ng territorial dispute and border conflict ay ang kawalan ng malinaw na mga hangganan. Ito ang problema sa malawak na karagatan sa West Philippine Sea at ito rin ang dahilan kung bakit may ilang salungatan sa mga teritoryo sa may Arctic habang natutunaw ang mga yelo ruon.
Dahil din sa tila malabong hangganan, inaangkin ng Tsino ang Tibet at maging ang Taiwan … ituloy ang pagbasa
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Epekto Ng Mga Suliraning Teritoryal At Hangganan (Territorial And Border Conflicts)
Basahin: SOME PROBLEMS WITH GLOBALIZATION
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.