Ang Lipunang Industriyal: Kasaysayan at Mga Katangian
Ang Lipunang Industriyal: Transisyon mula sa Agrikultural
© Marissa G. Eugenio
Sa lipunang industriyal, ang mga teknolohiyang kayang magparami ng produksiyon ay ginagamit upang makagawa ng maraming produkto sa mga pabrika. Ito ang pangunahing paraan ng produksiyon at siyang salik sa pagsasaayos ng buhay sa lipunan.
Hindi lamang nagtatampok lipunang industriyal ng mga pabrika para sa bultuhang produksiyon kundi mayroon din itong partikular na istrukturang panlipunan na nakadisenyo para suportahan ang gayong mga pagawain.
Ang gayong lipunan ay karaniwang naka-organisa ayon sa hirarkiya ng uri ng mga kasapi at nagtatampok ng istriktong pagkakabaha-bahagi ng gawain sa mga manggagawa at nagmamay-ari ng mga pabrika.
Ang transisyon mula sa agraryo patungo sa lipunang industriyal, kalakip ang marami nitong implikasyong politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan, ang naging pokus ng mga naunang agham panlipunan at nag-udyok sa pagsasaliksik ng mga unang nagsipag-aral ng sosyolohiya, kasama na sina Karl Marx, Émiel Durkheim, at Max Weber.
Naging interesado si Marx sa pag-unawa kung paanong naorganisa ng kapitalistang ekonomiya ang produksiyong industriyal, at kung paanong binago ng pagpapalit mula sa sinaunang kapitalismo patungko sa kapitalismong industriyal ang sosyal at politikal na istruktura ng lipunan.
Nalaman ni Marx, sa pag-aaral sa mga lipunang undustriyal ng Europa at Britanya, na mayroon ang mga ito ng hirarkiya ng kapangyarihan na nakaayon sa kung ano ang papel na ginagampanan ng tao sa proseso ng produksiyon o estado sa lipunan (manggagawa laban sa nagmamay-ari).
Ang naghaharing uri ang siyang gumagawa ng mga desisyong politikal upang mapanatili ang kanilang interes pang-ekonomiya sa loob ng gayong sistema.
Interesado naman si Durheim kung paanong gumaganap ng iba’t ibang papel ang mga tao at kung paano sila gumaganap ng iba’t ibang layunin sa makumplikadong lipunang industriyal, na kaniyang tinawag, kasama ang iba pang sosoyolohista, bilang paghahati-hati ng gawain o division of labor.
Ayon pa kay Durkheim, ang gayong lipunan ay umaandar na gaya ng isang organismo at ang iba-ibang bahagi nito ay umaangkop sa mga pagbabago ng iba upang mapanatili ang katatagan.
Nakatuon naman ang teoriya at pagsasaliksik ni Weber sa kung paanong ang kombinasyon ng teknolohiya at kaayusang pang-ekonomiya na ikakikilala sa mga lipunang industriyal ay naging pangunahing tagapag-ayos ng lipunan at buhay panlipunan, at nalimitahan nito ang malaya at malikhaing pag-iisip, at ang ating pagpili at pagkilos. Tinuringan niya ang penomenong ito na “ang hawlang bakal” (the iron cage).
Kinikilala ng mga sosyolohista na sa mga lipunang industriyal, ang lahat ng aspeto ng lipunan, gaya ng edukasyon, pulitika, media, at batas, at iba pa ay gumagawa upang suportahan ang ang mga target na produksiyon ng lipunang iyon.
Sa kontekstong kapitalismo, sila ay gumagawa rin upang suportahan ang target na kita ng mga industriya ng lipunang iyon … ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio
Mga kaugnay na lektura: (mahahanap sa search engine ng MyInfoBasket.com, bandang itaas)
Paghahambing sa iba’t ibang uri ng lipunan: Agraryo, Industriyal at Birtwal
Ang Lipunang Industriyal: Kasaysayan at Mga Katangian
Ang Birtwal na Komunidad: Mga Katangian at Pamamaraan
Kaugnay na artikulo: The Scope and Areas of Sociology and the Sociological Researches
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 7.2 Nakapaghahambing ng iba’t ibang uri ng lipunan (hal. agraryo, industriyal at birtwal)