Pangmundong Anarkiya (International Anarchy): Sanhi ng WWI
Dati-rati ay ay walang mabisang pandaigdigang ahensiya, organisasyon, o gobyerno na maaaring lumikha at magpatupad ng mga batas para sa mga bansa. Kaya naman masasabing meron nuong internasyunal na anarkiya, sapagkat ang bawat bansa ay tila maaaring gawin kung ano ang gusto.
Tila ayaw ng mga bansa ang mapayapang pag-aayos nuon.
Walang bansa ang gustong magsumite ng usapin nito laban sa ibang bansa sa anumang arbitrasyon—sapagkat wala namang maituturing din na tunay na may kakayahan at kapangyarihan para sa diplomatikong pag-aayos.
Ang Hague Court of Arbitration
Totoo na mayroon nang Hague Court of Arbitration noon pamang 1899; lamang, ay hindi ito naging epektibo dahil na rin sa ang mga estado ay hindi naman obligado na sumailalim dito.
Nagsagawa ng unang pagpupulong ang mga bansa sa Hague na pinangasiwaan ni Czar Nicholas II ng Rusya. Ganunpaman, nabigo rin naman itong bawasan ang mga armas na taglay at nililikha ng mga estado.
Nagsagawa pa ng pangalawang pagpupulong sa Hague batay sa panukala ni US President Theodore Roosevelt noong 1907. Subalit ito man ay hindi nagtagumpay na pabawasan ang mga sandatang pandigma ng mga bansa.
Ganunpaman, may ilang nalikhang kasunduan pangalawang pagpupulong sa Hague ukol sa makataong pakikipaglaban sa panahon ng labanan. Ang malungkot lang, ang mga ito ay hindi rin naman nasunod nang maganap na ang World War I … ituloy ang pagbasa
Kaugnay: Mga Dahilang Nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig