Wastong Gawain at Pagkilos sa Tahanan at Paaralan sa Panahon ng Kalamidad
Hindi natin alam kung kailan darating ang kalamidad o sakuna. Kaya mahalagang laging maging mahinahon tayo sakali mang dumating ito.
Ano kaya ang wastong gawin sa ating mga tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad?
TAHANAN
Bago pa man dumating ang mga kalamidad o sakuna, tiyakin ang mga sumusunod
– maayos ang pagkakakabit ng mga bahagi ng bahay tulad ng bubong upang maiwasang matanggal ito ng malakas na hangin o ulan.
– maayos ang linya ng mga kuryente at tiyaking maayos ang switch bago gamitin
– sinupin ang mahahalagang dokumento at gamit sa lalagayang hindi mababasa
– makilahok sa paglilinis ng mga estero at kanal sa komunidad na nagdudulot ng pagbaha
– nakikinig sa radyo at telebisyon upang maging maalam sa mga nangyayari
– maghanda ng emergency kit na may pagkain, tubig, gamot, at iba pang kailangan
– nakahanda ang flashlight, kandila at first aid kit
– alam ang mga emergency o hotline numbers na maaaring tawagan
– manatili sa tahanan at makinig sa nakakatanda, sa payo ng barangay sa komunidad tungkol sa paglikas o evacuation
– maging laging alerto at handa
PAARALAN
– makilahok sa mga isinasagawang drill o sa mga programang isinasagawa sa paaralan na may kaugnayan sa paghahanda sa panahon ng kalamidad
– masinop ang mga kalat at ilagay ang mga basura sa tamang lagayan
– makinig sa mga pahayag o anunsyo ng mga opisyal sa paaralan ukol sa nagbabadyang kalamidad
– alam ang mga emergency o hotline numbers na maaaring tawagan
Paano ibinabagay ng mga tao sa panahon ang kanilang kasuotan at tirahan
Dapat maibagay ng mga tao sa komunidad ang kanilang mga kasuotan/kagamitan ayon sa uri ng panahon. Ito ay upang mapangalagaan at maproteksyunan siya sa maaaring idulot ng mga uri ng panahon.
KASUOTAN/KAGAMITAN
Tag-init
– maninipis na damit
o tela na gawa sa cotton o linen
– payong
– sombrero/cap
– pamaypay
– shades o sunglasses
– sandals o tsinelas
– sunscreen/sunblock lotion
Tag-ulan/Taglamig
– jacket o makapal na damit
– bota o boots
– payong
– kapote o coat
Sa lugar na malamig tulad ng Baguio at Tagaytay, ang mga tao ay nagsusuot ng makapal na damit upang hindi ginawin at magkasakit. Manipis at maluwang naman ang dapat isuot kapag nasa mainit na lugar tulad ng Tuguegarao, Isabela at Nueva Ecija.
TIRAHAN
Tag-init
– gumagamit ng electric fan, cooler o airconditioner
– gumagamit ng manipis na kurtina
– gumagamit ng maninipis na kumot
Tag-ulan/Taglamig
– naglalagay ng makapal na kurtina
– gumagamit ng makakapal na kumot
– Inaayos ang mga bubong at ibang bahagi ng tahanan
Sa mga lugar na laging dinadaanan ng bagyo tulad ng Batanes, Masbate at Catanduanes, ang mga tao ay ibayo ang ginagawang paghahanda. Ang kanilang bahay ay mababa at yari sa bato at kogon.
Paglalagom
– Sa komunidad ay may nararanasang uri ng panahon . Ito ay maaaring maaraw, maulan, maulap, mahangin at mabagyo.
– Ang klima o pangmahabang panahong nararanasan sa Pilipinas ay Tag-ulan at Tag-init.
– Nakararanas ng mga natural na kalamidad o sakuna ang mga tao sa komunidad gaya ng baha, flashflood, lindol, landslide, tsunami at pagsabog ng bulkan. May mga epekto ito sa ating mga anyong lupa, anyong tubig at sa mga tao sa komunidad. (Kaugnay: Anyong Lupa at Tubig: Mga Tanyag sa Pilipinas)
– Mahalagang malaman ang wastong pagkilos at gawain sa panahon ng kalamidad.
-Ibinabagay ng mga tao sa komunidad ang uri ng kanilang kasuotan batay sa mga uri ng panahon.
Copyright © by Celine de Guzman/myinfobasket.com