Ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI): Summary (Buod)
Isang pangmundong labanan na nagpasimula sa Europa ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI). Ito ay kinilala rin bilang Dakilang Digmaan, at Ang Digmaan upang Wakasan ang Lahat ng mga Digmaan). Mahigit na 16 milyong mga tao ang namatay sa digmaan.
Nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong ika-27 ng Hulyo, 1914, isang buwan pagkatapos paslangin si Archduke Franz Ferdinand, at natapos nuong Nobyembre 11, 1918.
Naganap sa Sarajevo, Bosnia ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria (pamangkin ni Emperador Franz Josef at tagapagmana ng trono ng Austro-Hungarian) at sa kanyang asawang si Sophie, Dukesa ng Hohenberg. Ang pumaslang na si Gavrilo Princip ay isa sa anim na assassin (limang Serbs at isang Bosniak) na pinag-ugnay ni Danilo Ilić, Bosnian Serb na kasapi sa lihim na grupo na Black Hand.
Dahil dito, binantaan ng Austria-Hungary ang Serbia. Mabilis naman na nagkampihan ang mga bansa. Nang maglaon ay nahati ang mga bansa sa dalawang pangkat:
(1) Ang Central Powers na binubuo ng Austria-Hungary, Bulgaria, Germany, at ang Imperyong Ottoman; at,
(2) Ang Allied Powers na grupo naman ng Great Britain, France, Russia, Italy, Romania, at Japan, at United States.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay gumamit ng mga makabagong teknolohiyang pangmilitar at ng trench warfare, kaya naman marami ang namatay at nasira o nawasak ang maraming bahagi ng mga bansa.
Mahigit sa 70 milyong tauhang militar, kasama ang 60 milyong taga-Europa, ang nasangkot sa malaking digmaang ito. Pagkatapos ng labanan, humigit-kumulang 9 na milyong mga sundalo at pitong milyong mga sibilyan ang namatay sa nasabing WWI, kasama ang mga bikitma ng genocides.
Nang matapos ang digmaan, nagwagi ang Alyadong Pwersa (Allied Powers). Ang WWI ay natala sa kasaysayan bilang matinding labanang hindi malilimutan at ito ay nagbunga ng malaking pagbabago sa pulitika sa mundo.
Ang mga hidwaan sa WWI ay di lubusang natuldukan nuong Nobyembre 11, 1918, bagkus ito ay nagbunga ng mga rebolusyon sa maraming mga kasangkot na bansa. Ang mga pagtatalong hindi naresolba nuong WWI ay isa sa mga naging sanhi naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig pagkaraan ng 21 taon (Setyembre 1, 1939) … ituloy ang pagbasa
Basahin: Mga Dahilang Nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu