Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot

1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan?

Sa aking palagay, kaya may mga pagkakataon na ganito kung saan mas nangingibabaw ang paggawa ng taliwas sa katapatan sapagkat kadalasang iniisip ng isang tao ay ang kaniyang sariling kapakanan o kagustuhan lamang tulad ng paghangad ng atensiyon, kasiyahan, at maski na ang pagiging angat sa ibang tao.

2. Ilarawan ang isang taong matapat at magbigay ng halimbawa.

Ang taong matapat ay hindi nabubuhay sa kasinungalingan at pandaraya.

Payapa ang buhay ng taong matapat at malayo sa mga problema at mga isipin. Laging niyang inuunang isipin nang mabuti ang sa tingin niyang nasa tama at katuwiran.

Nagiging maluwag ang kaniyang pakiramdam kahit na mayroong mga problema sapagkat hindi niya tinatago ang katotohanan kahit pa siya ay maapektuhan.

Ang halimbawa ng taong matapat ay ang mga kabataang nagsasauili sa may-ari ng mga bagay na kanilang nakikita at ang mga nagpaparating sa kinauukulan ng mga bagay na mali na kanilang nasasaksihan.

3. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?

Napakahalaga na maisabuhay natin ang katapatan sa ating salita at sa gawa sapagkat ang ating buhay at damdamin ay magiging payapa dahil alam nating tayo ay nasa katotohanan sa bawat aksyon na ating ginagawa at deklarasayon na ating binibitiwan.

Kinakailangan natin itong mapanatili sapagkat kung hindi natin ito mapapanatili ay masasanay tayo sa gawang hindi tama o mali.

4. Ano ang maari mong gawin upang mangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang katapatan?

Ang aking maaring gawin upang mangibabaw lagi ang katapatan ay aking papanigan palagi kung ano man ang nasa tama.

Maari natin itong simulan sa pag-iisip nang mabuti sa bawat hakbang at aksyon na ating isinasagawa nang sa gayon ay hindi lang tayo maging tapat saating mga sarili kundi maging modelo pa tayo sa ating kapwa sa pagiging tapat na mamamayan at tao sa mundo.

Copyright © by Senna Micah Mañebog

Kaugnay na Assignment:

Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay

Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers

Pambubulas o Bullying: Mga Tanong at Sagot