Ang Big 4
Ang Big Four sa Kasaysayan
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1919), nagpanukala ng mga pamamaraan ang mga nagwaging bansa nang sa gayon ay maiwasan sa hinaharap ang digmaan.
Sa Pagpupulong sa Paris, France noong 1919-1920, sila ay bumalangkas ng mga kasunduang ukol sa kapayapaan (peace treaty).
Ang nanguna sa pagpupulong na ito ay sina:
US President Woodrow Wilson
Great Britain Prime Minister David Llyod George
Italy Premier Vittorio Emmanuel Orlando, at
France Prime Minister Georges Clemenceau ng France.
Sila ang tinagurian sa kasaysayan na “Big Four.”
Ginamit na batayan ang Labing-apat na Puntos (Fourteen Points) ni US Pres. Wilson sa mga pinanukalang kasunduan. Ang Labing-apat na Puntos ay binalangkas ni Wilson batay sa mga layunin ng United States sa pagsangkot nito noong Enero, 1918 sa World War I.
Sinasalamin ng mga puntos na ito ang ideya ni Wilson hinggil sa isang “kapayapaang walang talunan” na para sa kapakanan at kabutihan ng bawat bansa.
Narito ang mga pangunahing puntos sa kasunduan (isinalin mula sa English):
1. katapusan ng lihim na pakikipag- ugnayan;
2. kalayaan sa karagatan;
3. pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan
4. pagbabawas ng mga armas;
5. pagbabawas ng taripa;
6. pagbuo ng Liga ng Mga Bansa.
Ganunpaman, sa pagpupulong ay inihayag ng ilang kaanib ng nagwaging Allied Powers ang nais nila na parusahan ang Germany. Nais nilang patawan ng sanction at papagbayarin ang bansang ito dahil sa mga pinsalang ginawa nito sa panahon ng digmaan.
Lumitaw rin sa pagpupulong ang magkakaibang interes ng mga bansang lumahok.
Magkagayunman, natapos ng mga delagado sa serye ng mga pagpupulong na ito ang ilang kasunduan: Ang sikat na Kasunduan sa Versailles, at maging ang mga kasunduang pangkapayapaan na may kinalaman sa Turkey, Bulgaria, at Austria-Hungary … ituloy ang pagbasa
Nota: Ang lektutang ito sa Kasaysayan ng Daigdig ay ukol sa pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig.
Kaugnay: 10 Reasons Many Filipinos Do Not Like Emilio Aguinaldo
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog