Kahulugan ng Sosyalismo, Epekto, at Kahinaan nito
Ano ang Kahulugan ng Sosyalismo?
© Jensen DG. Mañebog at Marissa G. Eugenio
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng sosyalismo? Ano ang mga epekto ng sosyalismo, mga katangian, halimbawa at kahinaan nito. Talakayin natin sa essay na ito.
Ang sosyalismo ay isang sistemang panlipunan at pampulitika (socio-political system).
Ito ay nag-aakalang ang pinakamatalino at pinakamabuting alokasyon ng mapagkukunan ay matatamo sa pamamagitan ng pagpaplano ng gobyerno ng kung ano ang dapat na maging produkto at kung sino ang makakukuha nito sa takdang presyo.
Ang sosyalismo ay itinuturing na kaibayo o kabaligtaran ng kapitalismo.
Sa sistemang sosyalismo, karamihan sa mga negosyo ay sinisimulan at pinupuhunanan ng gobyerno. Ang lahat ng pinagakukunan para sa produksiyon ay pag-aari ng estado.
Ipinapalagay kasi nito na ang pribadong pag-aari ay nagbubunga ng kasakiman at magdudulot sa pagsasamantala ng mga nagmamay-ari sa kanilang mga manggagawa.
Ayon sa mga nagtataguyod ng teoriyang sosyalismo, iniaambag ng mga tao ang kanilang gawa at talento sa lipunan hindi para sa pansariling pakinabang kundi para sa ikabubuti ng karamihan.
Ang gobyerno umano ang nagbibigay ng pantay-pantay na benepisyo sa mga tao, na nakabatay sa kanilang pangangailangan, at hindi batay sa kanilang talento at naging paggawa.
Sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng sosyalismo na ang kapakanan ng lipunan sa kabuuan ang itinuturing nito na mas importante kaysa karapatan ng mga indibidwal.
Ganumpaman, ang purong ekonomiyang sosyalismo ay sinasabing nagdudulot ng pagiging di-episyente sa pamamagitan ng pagpapawalang halaga sa mga indibidwal na inisyatibo at sa pamamagitan ng pagpaplano ng estado sa bawat detalye ng kabuuang ekonomiya ng bansa.
Sa kawalan ng mas mataas na benepisyo na mag-uudyok na magpursige ang mga tao, sinasabing bumababa ang pagiging produktibo ng tao.
At sa kawalan ng mga inbidwal na may kalayaang gumawa ng mga desisyon sa kanilang sarili, ang pangmadaliang pagbabago sa suplay at demand ay mahirap matugunan … ituloy ang pagbasa
© Jensen DG. Mañebog at Marissa G. Eugenio
Also Check Out: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog
Kaugnay na lektura (mahahanap sa search engine ng MyInfoBasket.com):
Ano ang Kapitalismo?
Realated: Sociology 101: A Primer