Ang Pagbuo ng mga Alyansa: Dahilan ng World War 1
Ang sistema ng pag-aalyansa ay maituturing na pagkakampi-kampi ng ilang bansa dahil sa ilang interes. Napalala ng pag-aalyansa ang mga payak na di-pagkakaunawaan, kaya naging mapanganib na labanan, na nagbunga ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Natalo ang Pransiya sa digmaang Franco-Pruso noong 1871. Para maiwasan ang paghihiganti nito sa Alemanya, pinasimulan ni Bismark, Chancellor ng Germany, ang isang serye ng pakikipag-alyansa sa ibang mga kapangyarihan para na rin ibukod ang Pransiya.
Noon namang Setyembre 1873, nabuo ang alyansa na tinawag na The Three Emperors’ League. Ito ay ang kasunduan nina Francis-Joseph ng Austria-Hungary, Alexander II ng Russia, at William I ng Prussia. Ganunpaman, hindi nagtagal ay nabuwag ang alyansang ito.
Pagkaraan ng siyam na taon (1882), binuo ng Italya, Alemanya, at Austria-Hungary ang Triple Alliance. Lumagda ang mga itosa kasunduan na sila’y magkakaloob ng suportang militar sa isa’t isa kapag may digmaan. Ang kasunduang ito ay kapwa sa depensibo at konserbatibong katayuan—naglalayon itong pigilan ang alinmang bansang magbabanta sa kanila.
Bilang tugon naman sa Triple Alliance, itinatag ang Triple Ententeng Britanya, Pransya, at ang Rusya. Bago ito, may alyansa nang nalikha noong 1894 sa pagitan ng Rusya at Pransya. Nag-umpisang makipag-ugnayan sa isa’t isa noong 1904 ang Britanya at Rusya at nagkasundo na magkaroon sila ng Entente Cordiale (‘Friendly Agreement’). Sa pamamagitan ni Foreign Minister Sir Edward Gray, naisamanoong 1907 ang Britanya sa alyansa, na tinawag na Triple Entente. Sa pamamagitan nito ay napagkasundo ang tatlong bansang dati ay magkakalaban.
Ang masamang epekto ng mga pag-aalyansang ito ay nahati ang mga bansa sa Europa sa dalawang magkaribal na kampong sandatahan.
Ang totoo, ang sistemang pag-aalyansa ang naging sanhi kung kaya’t ang sigalot sa pagitan ng Serbia at Austria matapos ng asasinasyon kay Archduke Franz Ferdinand sa Saravejo ay biglaang humantong sa malubhang labanan sa pagitan ng pitong bansa (Serbia, Austria, Germany, Russia, France, Belgium, at Britain), at kalaunan ay sa iba pang bansang sumangkot sa Unang Digmaang Pangsanlibutan … ituloy ang pagbasa
Kaugnay: Mga Dahilang Nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog