Si Erik Erikson, ang 8 Stages of Psychosocial Development, at Mga Developmental Task

Ang tinatawag na developmental tasks o gawaing pampag-unlad o paglago ay tumutukoy sa mga angkop at inaasahang kasanayan at kilos ng isang indibidwal sa isang antas ng pag-unlad ng kaniyang buhay.

Upang maunawaan ang developmental tasks o gawaing pampag-unlad bilang nagbibinata at nagdadalaga (adolescent), mahalagang matutunan ang teorya ni Erik Erikson ukol dito. (Basahin ang: Si Erik Erikson at ang Mga Inaasahang Gawain (Developmental Tasks) sa 8 Antas ng Sikososyal na Pag-unlad)

Erik Erikson: Inaasahang Gawain (Developmental Task) sa 8 Antas ng Sikososyal na Pag-unlad

May itinuturo si Erik Erikson (1902-1994) na walong antas o yugto ng sikososyal na pag-unlad (psychosocial development). Ayon sa psychosocial theory, nakakaranas ang tao ng walong (8) antas ng pag-unlad sa kaniyang buong buhay, mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda:

1. Infancy: Trust vs. Mistrust

Buhat sa kapanganakan hanggang 12 buwan (sinasabi ng ibang reperensiya na hanggang 18 buwan), dapat matutunan ng mga sanggol na ang mga may sapat na gulang, gaya ng mga magulang o tagapag-alaga, ay mapagkakatiwalaan.

Nagaganap ito kapag natutugunan ng mga matatanda ang mga pangunahing pangangailangan ng bata para sa kaniyang kaligtasan. Ang sanggol ay nakadepende sa kaniyang mga tagapag-alaga. Kaya naman ang mga tagapag-alaga na tumutugon at sensitibo sa mga pangangailangan ng bata ay nakatutulong sa sanggol na magkaroon ng tiwala.

Subalit ang mga tagapag-alaga na hindi nakakatugon sa mga pangangailangan ng kanilang sanggol ay maaaring makapagdulot sa bata ng pagkabalisa, takot, at kawalan ng tiwala.

Lalo pa nga kung ang mga tagapag-alaga ay may kalupitan, malamang na lumaki ang bata na hindi nagtitiwala sa mga tao sa mundo.

2. Early Childhood: Autonomy vs. Shame/Doubt

Ang toddler (edad 1-3 taon) ay nagsisimulang galugarin ang kaniyang mundo. Nagpapasimula siya na matutunan na maaari niyang kontrolin ang ilan sa kaniyang mga pagkilos sa kaniyang kapaligiran. Natututunan din niya na makakamit niya ang ilan sa kaniyang mga nais. 

Sa yugtong ito, nagsisimula siyang magpakita ng interes sa ilang mga elemento ng kapaligiran, tulad ng pagkain, mga laruan, at damit.

Para magkaroon ng awtonomiya sa halip na hiya o at pagdududa, dapat siyang makapagtatag ng pakiramdam ng kalayaan (sense of independence). Ito ang yugto na tila ba sinasabi niyang “Ako ang gagawa nito.”

Bilang halimbawa, maaari nating maobserbahan ang isang 2-taong-gulang na bata na gustong siya ang pumili ng kanyang damit at siya mismo magsusuot nito sa kaniyang sarili.

Sabihin pang ang isinuot niya ay maaaring hindi angkop para sa sitwasyon, ang kanyang naging pagdedesisyon ay may epekto sa kanyang pakiramdam ng kalayaan.

Sa kabilang dako, kung laging ipagkakait sa kaniya ang pagkakataong magpasya at gumawa, maaari siyang magsimulang magduda sa kanyang kakayahan. Ito ay maaaring humantong sa mababang pagpapahalaga sa sarili at pagiging mahiyain.

3. Late Childhood: Initiative vs. Guilt

Pagtungtong sa yugto ng preschool (edad 3-6 na taon), ang bata ay nagkakaroon ng kakayahang magpasimula ng mga aktibidad at kumontrol sa kaniyang mundo. Ito ay sa pamamagitan ng mga sosyal na pakikipag-ugnayan at paglalaro.

Dapat na matutunan ng bata sa antas na ito ang pagkakaroon ng inisyatibo ayon kay Erik Erikson. Magkakaroon ang bata ng inisyatibo kung matututunan niyang magplano at makamit ang kaniyang mga layunin habang nakikisalamuha sa iba.

Ang inisyatibo, pagkakaroon ng ambisyon, at pagiging responsable ay nagaganap kapag pinapayagan ng mga magulang ang bata na tuklasin ang kaniyang mga limitasyon. Mahalaga kung gayon na sinusuportahan nila ang kaniyang pagpili.

Sa pamamagitan ng mga nabanggit, ang bata ay makabubuo ng tiwala sa sarili at ng sense of purpose sa buhay.

Sa kabilang banda, ang mga hindi nagtagumpay sa antas ng pag-unlad na ito dahil na rin sa sobrang pagkontrol ng magulang ay maaaring magkaroon ng guilt feeling.

4. School Age: Industry vs. Inferiority

Ang bata, sa panahon ng elementarya (edad 6-12), ay nagsisimulang ihambing ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kasamahan o kamag-aral. Ito ay upang makita niya kung nakasasabay siya sa kanila sa pag-unlad.

Magkaroon siya ng sense of pride and accomplishment sa kaniyang mga gawain sa paaralan, palakasan, mga gawaing panlipunan, at buhay sa pamilya.

Subalit maaari naman niyang madama na siya ay mas mababa o mahina at may kakulangan kapag nakikita niya na parang hindi siya nakakasabay sa pag-unlad ng kaniyang mga ka-edad.

Kapag hindi natutunan ng bata na makisalamuha sa iba o kung magkakaroon siya ng mga negatibong karanasan sa bahay o sa paaralan, posibleng magkaroon siya ng inferiority complex sa kaniyang pagtanda … ituloy ang pagbasa

Para sa bilang 5 hanggang 8, sangguniin ang “Inaasahang Gawain sa 8 Antas ng Sikososyal na Pag-unlad (Mga Developmental Task) at si Erik Erikson” sa www.OurHappySchool.com/.

Halimbawang Online Activity para sa Klase:

Maaari itong ipagawa o ipa-assignment sa mga estudyante para sa paksa:

1. Mag-online sa OurHappySchool.com o AlaminNatin.com. Gamit ang search engine nito, hanapin ang artikulong “Inaasahang Gawain sa 8 Antas ng Sikososyal na Pag-unlad (Mga Developmental Task) at si Erik Erikson.” Basahin ang maikling lektura.

2. Ipost ang artikulo sa iyong social media account, kalakip ang naintindihan mong inaasahang gawain mula sa iyo bilang tinedyer. Gumamit ng hashtag na: #DevelopmentalTask #ErikErikson

3. I-print ang iyong naka-post na komento at ipasa sa guro.

Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

I-search ang mga related lecture sa search engine sa taas: https://MyInfoBasket.com/.

Mga Kaugnay:

Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata sa 3 Yugto ng Pag-unlad

Ang Cognitive Triangle: Ang koneksyon ng Iniisip, Nadarama, at Kinikilos

Ano ang Cognitive Behavior Therapy?

Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome

How to Overcome Stressful Adolescent Stage

Ang buong yugto ng adolescence

Paano maging isang teen-ager?

Ano nga ba ang “adolescence”?

Mahalaga ang pagkilala sa sarili ng isang adolescent.

Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development)

Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?

Pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan (strengths and weaknesses): Mahalaga lalo na sa adolescents

Ano ang Holistic Development? Aktibidad para sa mga Estudyanteng Nagbibinata at Nagdadalaga

Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan

Koneksiyon ng Kaisipan, Damdamin, at Gawi: Ang Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos