Robert James Havighurst: Ang 8 Gawaing Pampag-unlad (Developmental Tasks)
Tungkol ito sa ilan sa mga gawaing pampag-unlad (developmental task) na dapat matutunan ng adolescent ayon sa teorya ni Robert James Havighurst na isang propesor, edukador, at dalubhasa sa konsepto ng pagtanda o aging.
Kaugnay ang mga ito ng teorya ni Erik Erikson. Duon itinuturo na sa antas na nagbibinata o nagdadalaga ay dapat natutunan na ng adolescent ang pagtitiwala, awtonomiya, inisyatibo, industriya o kasipagan, at ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan (sense of identity/sense of self).
Inaasahan na sa hinaharap ay matututunan naman nila ang intimacy, generativity, at integrity.
Si Robert James Havighurst at ang gawaing pampag-unlad (developmental task)
Para kay Robert James Havighurst, ang gawaing pampag-unlad (developmental task) ay tumutukoy sa mga gawain o kasanayan na natututunan sa isang partikular na punto ng buhay na tumutulong upang maging posible ang pagkamit sa mga kasunod pang gawain.
Basahin din: Discuss developmental tasks and challenges being experienced during adolescence
Ayon kay Robert James Havighurst, kapag tama ang tiyempo, ang kakayahan upang matuto ng isang partikular na gawaing pampag-unlad ay posible. (Kaugnay: Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome)
Para kay Robert James Havighurst ay may walong (8) mga gawaing pampag-unlad na dapat matutunan ng nasa gitna at huling bahagi na pagbibinata o pagdadalaga.
Havighurst: Ang walong (8) mga gawaing pampag-unlad (developmental task) sa nasa gitna at huling bahagi na pagbibinata o pagdadalaga
GAWAING PAMPAG-UNLAD 1: Magtamo ng bago at ganap o mature na pakikipag-ugnayan sa mga kaedad na babae at lalaki.
Sa gawaing ito na may kinalaman sa pakikitungo sa iba, kailangan ang matyuridad sa pag-uugali (behavioral maturity). (Kaugnay: Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?)
Nakapaloob sa matyuridad sa pag-uugali ang kakayahang makihalubilo nang maayos sa mga kapwa nagbibinata o nagdadalaga, makipagtulungan sa kanila, at magtrabaho o gumawa kasama nila para sa isang layunin.
Kasama rin sa gawaing ito ang pagkatutong maging isang lider na hindi nagdidikta, kakayahang ipagpaliban ang para sa sariling gratipikasyon, at kapasidad na kontrolin ang mga naisin o pantasya.
Importante sa isang kabataan na matutong magkaroon ng isang maayos na interpersonal na relasyon sa iba anuman ang kanilang kasarian o sekswalidad.
GAWAING PAMPAG-UNLAD 2: Gumanap ng mga katanggap-tanggap sa lipunan na mga papel, tungkulin o gampaning pambabae o panlalaki.
Dapat pagpasiyahan ng isang tin-edyer ang mga pangkasariang papel o gampanin (gender role) na nais niyang gampanan o isagawa.
Kung ikaw ay isang nagbibinata o nagdadalaga, ang iyong pangkalahatang paraan ng pamumuhay bilang isang adolescnet ay maaapektuhan ng iyong mga pagpili ukol sa bagay na ito.
Tandaan na importante na ang iyong mapiling gender role ay katanggap-tanggap o socially approved. Halimbawa, bagamat hindi masama na ang mga anak na lalaki ay matutong magluto, ganunpaman, sa Pilipinas ay inaasahan na mas maalam at maasikaso sa mga gawaing pambahay ang mga anak na babae.
Mahalaga na maging mapagmasid sa mga gender roles na ginagampanan ng mga tao sa iyong lipunan, ang pakikinig sa magagandang payo ng iyong mga magulang, at pagsasaalang-alang sa sinasabi ng iyong relihiyon o pananampalataya.
GAWAING PAMPAG-UNLAD 3: Tanggapin ang iyong pisikal na sarili at gamitin ang iyong katawan nang epektibo.
Hinggil ito sa pagtanggap sa mga pagbabago sa iyong katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito. Importanteng mayroon kang kamalayan sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong katawan bilang adolescent.
Ang mga pisikal at pisyolohikal (physiological) na transpormasyon na iyong nararanasan ay maaaring maging sanhi ng mga pagbabago sa iyong mga saloobin, damdamin, at pananaw. (Kaugnay: Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan)
Kaalinsabay ng pagkaalam mo sa mga pagbabagong ito, dapat mong matutunan ang pangangalaga sa iyong sarili. Responsibilidad mo na pamamahalaan o kontrolin ang iyong mga sekswal na damdamin at pag-uugali.
Mahalaga rin na isaalang-alang ang mabuting nutrisyon, ehersisyo, at malusog na paraan ng pamumuhay (healthy lifestyle). Dapat kang mag-ingat laban sa mga sakit at umiwas o tumigil sa masasamang bisyo tulad ng paninigarilyo, paglalasing, at pagdudroga.
GAWAING PAMPAG-UNLAD 4: Magkamit ng emosyonal na kalayaan o ng kakayahang mapag-isa mula sa mga magulang o tagapag-alaga.
Isang importanteng parte ng mga gawaing pampag-unlad ng isang nagbibinata o nagdadalaga ang pagkamit ng emosyonal na kalayaan (emotional independence). Ugnay ito sa pagkakaroon ng kakayahang mapag-isa sa mga magulang o sa mga may sapat na gulang (adults).
Ito ay may kinalaman din sa pagkakaroon ng kakayahang makagawa nang maingat na pagdedesisyon at pagpapasya gamit ang rasyonal at intelektwal. (Kaugnay: Ang Cognitive Triangle: Ang koneksyon ng Iniisip, Nadarama, at Kinikilos)
Tandaan na ang emosyonal na kalayaan (emotional independence) ay nangangailangan ng maingat na pag-aaral ng mga opsyon at mga kahihinatnan bago magpakita ng emosyon o bago magsagawa ng isang pagdedesisyon. (Basahin din: Mga Halimbawa ng Saloobin at Damdamin, at ang Kinalaman nila sa Pag-uugali ng Tao)
Sa antas o yugtong ito, dapat ay malagpasan na ang pagiging masyadong nakasalalay sa mga magulang o tagapag-alaga sa kung ano ang dapat na maging desisyon o sa kung ano ang dapat na maging damdamin sa iba’t ibang bagay. (Kaugnay: Some Ways to Become a Responsible Adolescent)
Subalit dapat ding tandaan na bagaman nararapat na magkaroon ng emosyonal na kalayaan mula sa mga magulang, hindi ito nangangahulugan na lubusan kang kakawala mula sa kanilang paggabay. (Kaugnay: Kagandahang Asal Sa Kabataan: Isang Tula)
Ang paggalang at pagsasa-alang-alang sa mga magulang ay dapat manatili maging sa panahong sinusubukan mong tumayo sa sarili mong mga paa … ituloy ang pagbasa.
*Para sa GAWAING PAMPAG-UNLAD bilang 5 hanggang 8, hanapin sa www.OurHappySchool.com ang artikulong “Pagtataya sa Sariling Pag-unlad: Paghahambing sa Kaparehong Gulang at ang 8 Gawaing Pampag-unlad (developmental task) ni Robert James Havighurst.”
*Kung may gusto kang hanapin ukol sa Personal Development o Pansariling Kaunlaran, i-search dito:
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
I-search ang mga related lecture sa search engine sa taas: https://MyInfoBasket.com/.
PARA SA MGA GURO
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com (OurHappySchool.com) ang artikulong [buong title ng artikulo]. Basahin. I-share ang post sa iyong social media account* kasama ang iyong pinakamahalagang natutunan sa lektura. I-screen shot ang iyong post at ipasa sa iyong guro.”
*Maaaring i-share ito sa Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at mga kauri nito.
Para sa mga Estudyante:
Ang mga free lectures sa site na ito, MyInfoBasket.com, ay makatutulong sa iyo. Gamitin ang search engine sa itaas.
Mga Kaugnay::
Ang buong yugto ng adolescence
Paano maging isang teen-ager?
Ano nga ba ang “adolescence”?
Pagbabahagi ng natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan
Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers
Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development
Mahalaga ang pagkilala sa sarili ng isang adolescent.
Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development)
Ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos
Pagbabago sa pisyolohikal, kognitibo, at sikolohikal na pag-unlad o pagbabago sa panahon ng adolescence.
Pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan (strengths and weaknesses): Mahalaga lalo na sa adolescents
Mga Saloobin, Damdamin, at Pag-uugali: Isang Aktibidad (Class Activity)
Ano ang Cognitive Behavior Therapy?
Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan
Developing Will and Moral Courage: 5 Tips
Koneksiyon ng Kaisipan, Damdamin, at Gawi: Ang Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos