Rebolusyong Industriyal: Mga Epekto

Ang tinatawag na Rebolusyong Industriyal o Industrial Revolutionay isang panahon noong ika-18 siglo kung kalian ay maraming mahahalagang imbensyon ang nagawa na nakapagpadali sa mga gawain at nakapagpamura sa gugol.

Ang Rebolusyong Industriyal ay panahon na nagkaroon ng napakabilis na pagbabago sa mundo. Dahil sa nakalikha ang mga imbensiyong ito ng mga bagong pagmamanupaktura at industriya, maraming tao ang lumipat mula sa mga kabukiran patungo sa mga pabrika sa mga metropolitan center.

Ang mga pagbabago ay nagdulot ng rebolusyon sa pampulitikang istraktura ng bansa. Ang mga ang mga may-ari ng agraryong lupa ay unti-unting pinalitan ng mga industriyal na kapitalista bilang mga lider ng ekonomiya ng bansa at istruktura ng kapangyarihan. Sa panahon ng Rebolusyong Pang-industriya ay nagkaroon ng mga pagbabago sa teknolohikal, sosyo-ekonomiko, at kultural na mga aspeto.

Mga teknolohikal na pagbabago:

(1) ang paggamit ng mga bagong pangunahing materyales, karaniwan ay bakal at asero (iron and steel);

(2) ang paggamit ng mga bagong mapagkukunan ng enerhiya, kabilang ang fuelsat motive power, tulad ng coal, steam engine, kuryente, petrolyo, at ang internal-combustion engine;

(3) ang pagka-imbento ng mga bagong makina, tulad ng spinning jennyat ang power loom na nagpapahintulot ng mas mataas na produksyon at mas maliit na paggugol ng enerhiya ng tao;

(4) isang bagong organisasyon sa trabaho na kilala bilang sistemang pabrika (factory system), na nangailangan ng lalong dibisyon sa paggawa at pagpapakadalubhasa sa gampanin (division of labour and specialization of function);

(5) mahalagang mga pag-unlad sa transportasyon at komunikasyon, kabilang ang steam locomotive, steamship, sasakyan, eroplano, telegrapo, at radyo, at;

(6) ang pagtaas ng aplikasyon ng agham sa industriya.

Ginawang posible ng mga pagbabago sa teknolohiya ang napakalaking pagdagdag sa paggamit ng likas na yaman at ang malakihang produksiyon ng mga yaring kalakal.

Mga Pagbabago sa ibang larangan

Marami ring mga bagong pag-unlad sa ibang mga larangan maliban sa industriyal, kabilang ang mga sumusunod:

(1) mga pag-unlad sa agrikultura na ginawang posible ang pagtustos ng pagkain para sa mas malaking di-agrikultural na populasyon;

(2) mga pagbabagong pang-ekonomya na nagresulta sa mas malawak na pamamahagi ng kayamanan, ang paghina ng lupa bilang pinagkukunan ng yaman sa harap ng pagtaas ng pang-industriyang produksyon, at ang nadagdagang internasyunal na kalakalan;

(3) mga pagbabago sa pulitika na sumasalamin sa palitan sa kapangyarihang pang-ekonomya, pati na rin ang mga bagong patakaran ng estado na tumutugon sa mga pangangailangan ng isang industriyalisadong lipunan;

(4) ang malawakang pagbabago sa lipunan, kabilang ang paglago ng mga lungsod, ang pag-unlad ng mga working-class movements, at ang paglitaw ng bagong pardon ng awtoridad, at;

(5) pagbabagong kultural sa isang malawak na kaayusan. Natutunan ng mga manggagawa ang mga bago at natatanging mga kasanayan, at ang kanilang kaugnayan sa kanilang mga gawain ay nagbago; sa halip na maging mga manggagawang nagtatrabaho gamit ang hand tools, sila ay naging mga machine operator, na napapailalim sa disiplina sa pabrika.

Ang mga pampulitika, panlipunan, at legal na kalagayan sa Inglatera ay naging pabor sa pag-unlad ng industriya. Ang kalayaang pampulitika, kalayaan mula sa iligal na pag-uusig, ang kabanalan (sanctity) ng mga karapatan sa pag-aari at ng mga kontrata, ang patent law, kalayaan sa relihiyon, at pagkakataong makaakyat sa pang-ekonomiya at panlipunang hagdanan ng kaunlaran ay sama-samang nakalikha ng klimang kanais-nais sa mga pangangalakal.

Sa wakas, nagkaroon ng sikolohikal na pagbabago: nagkaroon ng pagtitiwala sa kakayahang gumamit ng mga mapagkukunang-yaman at pagkaunawang lubos sa kalikasan.

Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist 

=====

Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Ang Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan