Plano Upang Mapaunlad Ang Pagkatuto Gamit Ang Mga Gawain Sa Mind Mapping
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng plano upang mapaunlad ang pagkatuto, gamit ang mga gawain sa mind mapping.
Ang paggawa ng mind map
Ang mga sumusunod ay ilang suhestiyong hakbang sa paggawa ng mind map:
(1) pagpapasya kung anong uri ng mapa ng isip ang iyong lilikhain;
(2) pag-isip sa pangunahing ideya para sa iyong mind map;
(3) pagdaragdag ng mga sanga sa pangunahing ideya;
(4) paglalagay ng mga keyword;
(5) paglalakip ng mga kulay sa mga sanga; at
(6) pagkakabit ng mga larawan.
Para mapaunlad ang pagkatuto, ang isang ‘right-brained’ na tao ay maaaring hamunin ang sarili at magpasyang gumawa ng isang sulat kamay na mind map.
Sa kabilang dako, ang isang ‘left-brained’ na tao naman ay maaaring sumubok gumawa ng isang digital na mind map
Uokupa sa sentrong bahagi ng iyong mind map ang naisip mong pangunahing ideya o paksa. Ito ay tumutukoy sa paksa na gusto mong tuklasin at ipakita.
Halimbawa, maaaring gusto mong gumawa ng isang mind map upang mapabuti ang iyong pag-aaral o magkaroon ng mabuting kalusugan.
Buhat sa naisip mong pangunahing paksa, magsasanga ang mga ideya upang makumpleto ang mind map. Ang mga pangunahing sanga ay tumutukoy sa mga pangunahing tema na magsasanga mula sa pangunahing ideya.
Pagkatapos ng mga sanga, maaari kang magdagdag ng higit pang mga ideya o mas maliliit na paksa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga maliliit pang mga sanga.
Dapat na samahan ng isang keyword ang bawat sanga ay upang ang ilang mga koneksyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto ay lumitaw.
Ang mga keyword ay lumilikha ng kaugnayan sa utak, na nagpapahintulot sa isang tao na matandaan ang mahahalagang impormasyon.
Ang paglalagay ng mga kulay ay makatutulong. Ang mga ito ay nagsisilbing mga code at tumutulong sa pag-kategorya at pagha-highlight ng mga koneksyon sa mga ideya.
Ginagawa rin ng mga itong mas kaaya-aya sa mata at nakae-engganyong pagmasdan ang iyong mind map.
May malaking maiaambag ang paggamit ng mga larawan o imahe. Kumpara sa simpleng mga salita o pangungusap, ang mga ito ay may kakayahang magpahayag ng higit pang mga impormasyon.
Pangkaraniwang nakaugnay ang mga imahe sa iba’t ibang mga konsepto. Ang imahe ay pinoproseso kaagad ng utak at nag-uudyok sa tao na mag-isip o gurarapin ang mga impormasyong nakapaloob dito.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Kalusugang Pangkaisipan At Sikolohikal Na Kaayusang Pangkatauhan (Well-Being)
Ang Mga Sariling Kahinaan at Ang Mga Sakit sa Kalusugan ng Isip (Mental Health Disorders)
Mind Map Tungkol Sa Mga Paraan Upang Magkaroon Ng Sikolohikal Na Kaayusang Pangkatauhan
Iba’t Ibang Uri Ng Emosyon Na Maaaring Makatulong Sa Pagpapamalas Ng Mga Nararamdaman
Mga Positibo At Negatibong Emosyon At Kung Paano Ito Ipahinahahayag O Itinatago
Mga Paraan Upang Mapamahalaan Ang Iba’t Ibang Uri Ng Emosyon
Ang Iba’t Ibang Uri ng Emosyon