Plano Upang Manatili Ang Kalusugang Pangkaisipan Sa Panahon Ng Kalagitnaan At Huling Bahagi Ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng plano upang manatili ang kalusugang pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata
Mga Plano Upang Manatili ang Kalusugang Pangkaisipan
May mga hakbang upang manatiling malusog ang pag-iisip, magkaroon ng balanseng buhay, at maiwasan ang ilang mga problema sa kalusugan ng isip.
Ang mga sumusunod ay ilang suhestiyon na maaari mong ilakip sa iyong plano ukol sa pagpapanatili ng malusog na pag-iisip sa panahon ng kritikal na yugto na ito sa iyong buhay—panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata.
Ang mga ito ay hango sa lektura ng Filipinong propesor na si Jensen DG. Mañebog:
– Bantayan ang iyong pisikal na kalusugan. Mag-ehersisyo at kumain ng nakalulusog na mga pagkain.
– Maghanap ng mga pinagkukunan ng inspirasyon.
– Laging maging tapat sa iyong pamilya at mga kaibigan.
– Magkaroon ng malakas na sistema ng suporta. Huwag mahiyang humingi ng tulong.
– Matutong maging kontento sa kung ano ang mayroon ka.
– Huwag hayaang pagharian ng galit ang iyong sarili.
– Huwag hayaang manaig ang takot sa iyong buhay.
– Maglaan ng panahon sa paglalaro, pagsasaya, at paglilibang.
– Magtakda ng oras para sa pagmumuni-muni at pagpapahinga.
– Matutong tumanggap ng pagsaway, payo, pagpuna.
– Matuto mula sa iyong mga nakaraang pagkakamali.
– Palaging panatilihing bukas ang isip.
– Huwag paniwalaan ang lahat ng iyong maririnig.
– Iwasan ang mga masasamang impluwensiya.
– Iwasan ang tsismis. Huwag magkakalat ng mga usap-usapan.
– Matutong timbangin ang lahat ng pag-uusap bago tumugon.
– Iwasang makipag-away kaninuman. Maaari kang sumang-ayon paminsan-minsan sa iyong kalaban.
– Huwag kang humiga sa iyong kama sa gabi na nababalisa tungkol sa mga suliranin.
– Huwag malumbay sa mga pagsubok at pagwawasto ng Diyos.
– Huwag kang magtiwala sa iyong sariling mga plano o karunungan. Kumunsulta sa kalooban ng Diyos.
– Iwasan ang mga bagay na kinapopootan ng Diyos.
– Lumayo sa mga bisyo, kalayawan, at mga imoral na gawa. Iwasan ang pagsusugal, alkohol, at mga ipinagbabawal na gamot.
– Panatilihin ang pananamplataya at banal na takot sa Maylalang.
– Alamin ang tunay na kahulugan ng buhay at gawin ito.
– Huwag ipagmalaki ang iyong sarili. Huwag magpalinlang sa labis na papuri.
– Magtakda ng mga makatotohanang mga pangarap at mithiin.
– Matutong mag-impok. Paghandaan ang kinabukasan.
– Huwag mainggit sa tagumpay ng iba.
– Huwag mag-imbot ng mga kayamanan.
– Magkamit ng mga kayamanan nang ayon lamang sa kalooban ng Diyos.
– Huwag magmadali sa mga bagay-bagay. Tandaan na “God’s time is the best time.”
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Iba’t Ibang Uri Ng Emosyon Na Maaaring Makatulong Sa Pagpapamalas Ng Mga Nararamdaman
Mga Positibo At Negatibong Emosyon At Kung Paano Ito Ipahinahahayag O Itinatago
Mga Paraan Upang Mapamahalaan Ang Iba’t Ibang Uri Ng Emosyon
Ang Iba’t Ibang Uri ng Emosyon
Mga Positibo at Negatibong Emosyon
Ang Sariling Paraan ng Pagpapahayag ng Atraksyon, Pagmamahal at Komitment
Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan Sa Isang Relasyon
Pag-Unawa sa Mga Relasyon ng mga Tinedyer
Paraan ng Pagpapahayag ng Atraksyon, Pagmamahal at Komitment
Ang Looking Glass Self: Ang Pananaw ng Tao at Kung Paano Siya Nakikita ng Iba