Pambubulas o Bullying: Mga Tanong at Sagot
1. Ano ang pambubulas o bullying? Ipaliwanag.
Ang pambubulas o bullying ay isang paraan upang makasakit ng tao, lalo na sa mga mag-aaral, pisikal man o emosyonal.
Napakaraming kaso nito sa iba’t ibang bansa na siyang nagiging sanhi ng pagkatakot ng mga kabataan na pumasok sa kanilang mga paaralan.
2. Bigyan ng pagkakaiba ang pisikal at emosyonal na pambubulas.
Ang pisikal na pambubulas ay sinasamahan ng lakas o puwersa na taglay ng nambubulas o bully tulad na lamang ng panununtok. Saemosyonal na pambubulas naman ay mas naapektuhan nito ang damdamin ng isang tao.
Sa aking palagay, malakas na pwersa ang dalawang uri na ito, magkaiba man ang paraan, na makapagdulot ng kalungkutan sa isang tao lalo na sa isang kabataan.
3. Paano makaiiwas ang isang mag-aaral sa mga batang may ganitong masamang gawain. Ipaliwanag ang mga hakbang na dapat gawin.
Upang makaiwas sa mga mag-aaral na may masamang gawaing ito na pambubully o pambubulas, marapat lamang na tibayan ang loob at lumayo sa ganitong uri ng kasamaan.
Kung ikaw na ang nakakaranas ng kanilang masamang gawa, mainam na kumonsulta o magsabi sa mga kinauukulan tulad na lamang ng Guidance Office sa paralan at sa mga guro. Huwag din kalimutang magsabi sa magulang.
4. Paano din matutulungan ang mga kabataang nahulog sa ganitong maling gawain. Ipaliwanag.
Sa mga kabataang nahulog naman sa paggawa ng maling gawaing ito na pambubully o pambubulas, kailangang malaman ang kanilang kadahilanan sa kung saan nagmula at bakit nila nagagawa ito.
Maaaring ang mga batang ito ay kulang ng atensyon sa kani-kanilang tahanan kaya’t kinakailangan na alamin ang mga ito at maging ang kanilang sariling mga nararamdaman at iniisip.
5. Ano ang panangutan at tungkulin ng paaralan at pamilya ukol sa isyung ito. Ipaliwanag.
Ang responsibilidad ng paaralan at pamilya ukol sa isyung ito ay magabayan lalo ang mga kabataan ng tamang mga aral at pagkilos sa marangal na paraan.
Sa paaralan ay tuturuan tayo na magkaroon pa ng tamang mga kaalaman na siyang gagabay sa atin bilang tao.
Sa atin namang mga tahanan, marapat lamang na magkaroon ng sapat na atensyon at pagmamahal ang bawat isang kasapi rito.
Kaya’t kung tayo ay nakadarama ng kakulangan rito, maging bukas sana an ating komunikasyon sa mga kinauukulan sa paaralan at sa tahanan, upang makakakuha ng sapat na paggabay para sa ating kinabukasan.
Copyright © by Senna Micah Mañebog
Kaugnay na Assignment:
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers