Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?

Mahalaga na magkaroon ng magandang pakikipagkapwa tao lalo na ang mga kabataan. May mga salik na makakaapekto sa pagtataglay nito.

Maraming bentahe ang pagkakaroon ng kamalayan sa iyong sarili bilang isang kabataan. Mabuti rin na alam mo ang iba’t ibang mga pagbabago na nagaganap sa iyo ngayon.

Kaugnay na short educational video: Papel ng Espirituwalidad sa Pakikipagkapuwa at Mga Kilos ng Pagdamay sa Pagdurusa ng Kapuwa

Ang isa sa mga bentaha nito ay ang pagkakaroon ng mas mahusay na pakikitungo sa iyong kapwa kabataan. Makatutulong din ito upang magkaroon ka ng magandang pakikipagkapwa tao sa iba pang mga tao sa komunidad.

Pakikipagkapwa tao at pagkilala sa sarili

Kapag lumalalim ang pagkilala mo sa iyong sarili, lalo namang humahaba ang iyong pasensiya sa pakikisalamuha sa iba. Mahalaga kung gayon ang pagkilala sa sarili para magkaroon ng magandang pakikipagkapwa tao.

Halimbawa, ang kaalaman na maaaring maging pabagu-bago ang iyong pag-uugali sa yugtong ito ay makatutulong. Sa kabatirang ito ay magiging mapagbantay ka sa iyong inaasal lalo na sa pakikisalamuha sa mga tao.

Mahalagang maunawaan ang ang pagbibinata o pagdadalaga ay isang mahirap na transisyon. Ito ay pagtawid mula sa pagkabata (childhood) patungo sa pagkakaroon ng karampatang gulang (adulthood).

Ito ay nangangahulugan ng isang yugto ng matinding pagbabagong-anyo at paglago ng isang indibidwal. Ito ay pagbabago at pag-unlad sa iba’t ibang aspeto tulad ng sa pisikal, mental, panlipunan, at emosyonal.

Dahil dito, ang adolescence bilang antas ng pag-unlad ay panahon ng maraming mga dramatikong pagbabago. Ito ay sa larangang pang-asal, pisyolohikal, intelektwal, at panlipunan o pakikisalamuha sa kapwa-tao (pakikipagkapwa tao).

Pakikipagkapwa tao sa kapwa kabataan

Tulad ng ibang mga kabataan, malamang ay naitatanong mo rin ang maraming katanungan. Halimbawa ay: “Sino ako? Bakit ako ganito? Bakit ko naramdaman ito? Ano ang nangyayari sa akin?”

Katulad ng ibang adolescents, maaaring nahihirapan ka ring sagutin ang mga tanong gaya ng mga ito.

Kung gayon, makatutulong na maghanap ka ng ilang mga maaasahang kaibigang ka-edad upang makausap. Maaari nyong pag-usapan ang ukol sa mga pagbabagong nagaganap sa inyo. Mapag-uusapan nyo rin ang mga iniisip nyong mga sagot sa mga tanong na binanggit sa itaas.

Sa pamamagitan nito, lalo ring huhusay ang pakikitungo ninyo sa isa’t isa. Ito ay dahil sabay-sabay na lalalim ang inyong pagkaunawa ukol sa antas ng pag-unlad na kapwa ninyo pinagdaraanan.

Pakikipagkapwa tao: Ilang proyekto

Para magkaroon ng magandang pakikipagkapwa tao, mahalagang matiyak mo sa iyong sarili ang ilang bagay. Halimbawa ay ang iyong mga iniisip at inaasahan ukol sa mga tao sa paligid mo. Halimbawa ay ang ukol sa iyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-aral, at mga kaibigan.

Mahalaga rin na masuri mo kung makatwiran ba ang mga inaasahan mo sa kanila. Kung hindi, mahalagang magkakaroon ka ng tyansa upang magkumpromiso o irebesa ang ang iyong mga ekspektasyon.

Sa ganitong paraan, lalo ngang gaganda ang iyong pakikipagkapwa tao o pakikisalamuha sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Ukol pa rin sa pakikipagkapwa tao, mahalaga na iyong tiyakin ang mga bagay tungkol sa iyong sarili.

Ang ilang halimbawa ay ang iyong mga positibong katangian, kahinaan, interes, pagnanasa, kagustuhan, at obserbasyon. (Kaugnay: Pagbabahagi ng natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan)

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

*Hanapin ang mga kaugnay na paksa sa search engine sa itaas.

Read: Some Ways to Become a Responsible Adolescent

SA MGA GURO:
Ito ay maaaring gawing online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante. Ganito ang maaaring panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Unawain. I-share sa iyong social media account* kalakip ang iyong paglalagom sa lektura. I-screen shot ang iyong post at isumite sa iyong guro.”

*Maaaring i-share ang artikulong na ito sa social media gaya ng Telegram, Twitter, Instagrame-mail, at iba pa.

====
Para sa komento, gamitin ang comment section sa Papel ng Espirituwalidad sa Pakikipagkapuwa at Mga Kilos ng Pagdamay sa Pagdurusa ng Kapuwa