Pagtatasa sa Sarili Kung Nagagawa ang mga ‘Developmental Tasks’ ng mga Nagbibinata at Nagdadalaga: Isang Aktibidad
Dapat na magkaroon ng kaalaman ang mga nagbibinata at nagdadalaga sa inaasahang mga gawain upang maging handa sila sa kung ano ang kanilang mga kinakailangang tahakin.
Ang mga inaasahang gawain ay hahamon sa kanilang kakayahan. (Basahin: Si Erik Erikson at ang Mga Inaasahang Gawain (Developmental Tasks) sa 8 Antas ng Sikososyal na Pag-unlad)
Bagamat mahirap, ang mga ito ay possible at mahalagang gawin. (Basahin: Robert James Havighurst: Ang 8 Gawaing Pampag-unlad (Developmental Tasks))
Layunin ng Aktibidad
Nilalayon ng aktibidad na ito na magkaroon ka ng pagtatasa sa sarili kung unti-unti nang nagaganap ang mga pangunahing ‘developmental tasks’ ng mga nagbibinata/nagdadalaga. (Read also: Discuss developmental tasks and challenges being experienced during adolescence)
Aktibidad sa Pagtatasa sa Sarili kaugnay ng Developmental Tasks ayon kay Havighurst
Gawin ang pagtatantiya kung mga ilang porsiyento na ang natutupad mo kaugnay ng mga ‘Developmental Task’ ng nagbibinata/ nagdadalaga ayon kay Havighurst.
Isulat sa talahanayan ang porsiyento: 1% bilang pinakamababa at 100% bilang pinakamataas.
Natutupad mo na ba ang mga inaasahang gawin?
Developmental Tasks ayon kay Havighurst | Tinatayang porsiyento na nakamit na | Natitira pang porsiyento na kailangang makamit |
Halimbawa: | ||
Makamit ang bago at mas mature na relasyon sa mga barkada ng parehong kasarian. Kaya mo na bang makipag-ugnayan sa kapwa mga kabataan ng parehong kasarian sa mas matured na paraan? | 20% | 80% |
Matamo ang mga tungkulin ng lalake at babaeng may sapat na gulang na aprubado ng lipunan. Nakamit mo na ba ang mga aprobadong tungkulin ng isang nabibinata/nagdadalaga? | ||
Matanggap ang iyong pisikal na sarili at gamitin ito sa epektibong paraan. Natanggap mo na ba ang mga pagbabagong kaakibat ng pagbibinata/pagdadalaga? Palagay ka na ba sa bagong pigura ng iyong katawan? | ||
Magkamit ng emosyonal na kalayaan. Maingat mo na bang pinag-aaralan ang mga pagpipilian at mga kahihinatnan bago magpakita ng emosyon o dumarating sa isang desisyon? | ||
Mapabuti ang personal na saloobin ukol sa pag-aasawal at pamumuhay ng may pamilya. Tanggap mo na ba na sa lalong madaling panahon ay papasok ka sa buhay may asawa at magkakaroon ng mga anak? May ideya ka na ba sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pagpasok sa buhay may asawa, pagtatayo ng pamilya, at pagpapalaki ng mga anak? | ||
Makapili at makapaghanda para sa hanapbuhay. Bahagi ba ng iyong personal na layunin ang mga layunin para sa iyong karera? Naghahanda ka ba para sa iyong karera sa hinaharap? | ||
Makakuha ng pangkat ng mga pamantayang magiging gabay sa pag-uugali. Natukoy mo na ba ang ilang mga prinsipyo sa buhay na dapat mong isabuhay o nakipili ng magiging mga huwarang gagayahin? Naitakda mo na ba ang herarkiya ng mga personal mong prayoridad? | ||
Matanggap at makapagtamo ng responsableng pag-uugali sa lipunan. Alam mo ba ang mga pag-uugaling tanggap sa lipunan? Naisama mo na ba ang mga ito sa iyong mga pagkilos at pag-uugali? Umaayon ka ba sa mga pangkat ng moral at pinagpapahalagahan na tanggap ng lipunan? |
Talakayan at Pagbabahagi ukol sa Aktibidad
1. Nahirapan ka bang gawin ang aktibidad? Sa pamamagitan nito, nagkaroon ka ba ng ideya kung unti-unti mo nang natutupad ang mga inaasahang gawain sa gaya mong tinedyer?
2. Makabuluhan ba ang aktibidad? Ano ang kahalagahan na malaman kung mga ilang porsiyento na ng mga inaasahang gawain ang natutupad mo?
Konklusyon sa Aktibidad kaugnay ng Developmental Tasks ayon kay Havighurst
Importante ang pagtatasa ng sarili kaugnay sa mga inaasahang gawain ng nagbibinata/nagdadalaga. Kapag unti-unting nakakamit ang bawat inaasahang gawain, nakapagbibigay ito ng kumpiyansa o tiwala sa sarili.
Para naman sa mga inaasahang gawain na hindi pa nakakamit o natutupad, nagsisilbi itong hamon upang unti-unting harapin at kamtin ang mga ito, para na rin sa sariling kaunlaran.
Basahin din:
Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
Paano maging isang teen-ager?
Ano nga ba ang “adolescence”?
Pagbabahagi ng natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan
Some Ways to Become a Responsible Adolescent
Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers
Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development
Mahalaga ang pagkilala sa sarili ng isang adolescent.
Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development)
Ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos
Pagbabago sa pisyolohikal, kognitibo, at sikolohikal na pag-unlad o pagbabago sa panahon ng adolescence.
Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?
Pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan (strengths and weaknesses): Mahalaga lalo na sa adolescents
Mga Halimbawa ng Saloobin at Damdamin, at ang Kinalaman nila sa Pag-uugali ng Tao
Mga Saloobin, Damdamin, at Pag-uugali: Isang Aktibidad (Class Activity)
Ang Cognitive Triangle: Ang koneksyon ng Iniisip, Nadarama, at Kinikilos
Ano ang Cognitive Behavior Therapy?
Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan
Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan
Developing Will and Moral Courage: 5 Tips
Koneksiyon ng Kaisipan, Damdamin, at Gawi: Ang Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos
Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome
Kagandahang Asal Sa Kabataan: Isang Tula
How to Overcome Stressful Adolescent Stage
Ang buong yugto ng adolescence
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Dyornal: Kahulugan, Halimbawa, at Kahalagahan para sa mga Kabataan