Pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan (strengths and weaknesses): Mahalaga lalo na sa adolescents
Nakapaloob sa pagkilala sa sarili ang pag-unawa sa iyong mga lakas o strengths (kung ano ang maaari mong gawin).
Kaakibat nito ay ang pagtanggap din naman sa iyong mga kahinaan o weaknesses (mga hindi mo maaaring gawin).
Ang pagkilala sa sarili ng isang adolescent
Mahalaga ang pagkilala sa sarili. Kung ikaw ay isang teenager, mahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan na ikaw ay dumadaan sa yugtong adolescence.
Para sa lubos na pagkilala sa sarili ng mga nagdadalaga at nagbibinata, maaaring sangguniin ang: Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers o ang Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development
Ito ay makatutulong sa iyo na lalong makilala at tanggapin ang iyong sarili. Dapat mong tanggapin din maging ang mga pagbabago na nangyayari sa iyo sa kasalukuyan. (May mga artikulo sa site na ito, MyInfoBasket.com, na makatutulong sa iyo. Ang search engine ay nasa bantang itaas).
Kalakasan (strengths) ng isang adolescent
Kabilang sa iyong mga lakas o katangian bilang isang kabataan ay ang iyong pisikal na kalusugan. Hindi tulad ng ibang mas may edad sa iyo, ikaw at ang iyong mga kasinggulang ay pangkaraniwang malayo pa sa mabibigat na karamdaman.
Kaya naman kabilang sa iyong mga katangian ang lakas ng katawan, pagiging bata (youthfulness), at pagiging puno ng pag-asa. Katangian mo rin ang katapangan na subukan ang iba’t ibang bagay, kawalang-takot, bukas na isip, at matalas na memorya.
Kahinaan (weaknesses) ng isang teenager
Subalit sa kabilang dako, kabilang sa iyong mga kahinaan ang iyong mababaw na konsepto sa iyong sarili, mahinang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem), at kakulangan ng karanasan.
Kahinaan mo rin ang iyong mga di-matatag na mga pagpapahalaga (values) at pagkakakilanlan, pagiging sensitibo, at pagiging insecure. (Basahin: Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan)
Bilang isang adolescent, madalas ka ring makaranas ng hormonal mood swings, pagkalito, at pressures mula sa mga tao sa paligid mo, lalo na sa mga mas nakatatanda.
Gaya ng ibang kabataan, nararamdaman mo rin na para bagang napakaraming inaasahan sa iyo ang mga tao sa paligid mo.
Konklusyon
Importante na ikaw ay may kamalayan sa mga bagay na tinalakay sa itaas. Ang pagkaunawa sa kung ano talaga ang isang kabataan at ang mga hamon na kaugnay nito ay makatutulong sa iyo.
Importante ito upang maging maingat ka sa iyong mga desisyon at pagkilos. Mahalaga rin ito upang maayos at matagumpay mong maraanan ang mahirap na antas ng pag-unlad na ito na kung tawagin ay adolescence. (Kaugnay: How to Overcome Stressful Adolescent Stage)
Karugtong: Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
*Mahahanap ang mga kaugnay na paksa sa search engine sa itaas.
Basahin: Some Ways to Become a Responsible Adolescent
SA MGA GURO:
Maaaring gawin itong online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante. Ganito ang halimbawang panuto:
“Tingnan sa search engine ng MyInfoBasket.com ang lekturang [buong pamagat ng artikulo]. Basahin. I-share sa iyong social media account* kasama ng iyong maikling paglalagom sa lektura. I-screen shot ang iyong post at ipasa sa guro.”
*Maaaring i-share ang artikulong na ito sa social media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa.