Paglalarawan sa Halaga ng Pamilya: Mga Tanong at Sagot
Ang kantang magagamit ko po upang ilarawan ang aking pamilya ay ang kantang:
Count on Me by Bruno Mars
If you ever find yourself stuck in the middle of the sea,
I’ll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can’t see,
I’ll be the light to guide you
Sa parte po ng kanta na iyan, ay maiuugnay ko ang aking pamilya. Kung ano man ang problemang dumating sa buhay ng sinoman sa amin, nariyan po ang bawat isang kasapi sa aming pamilya upang gumabay at tumulong.
1. Paano mo ilalarawan ang isang pamilya?
-Para sa akin, ang isang pamilya ay isang grupo ng tao na ang bawat kasapi nito ay binuklod ng Diyos sa tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa, nagtutulungan at nagkakaisa.
Ang mga ito ay mahalaga upang anatiling buo at matibay ang isang pamilya. Magandang pagmasdan ang isang pamilya na nagkakaisa at hindi nagkaka-baha-bahagi.
2. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo?
– Sa aking opinyon, ang kahulugan ng isang pamilya ay pagmamahalan. Maliban sa Diyos na Maylikha, an gating pamilya ang unang umibig sa atin.
May mga tao na maaaring dumating sa buhay natin na pagdating ng panahon ay maaaring lumayo sa atin, subalit ang pamilya ay mananatiling nandiyan para sa atin.
3. Masusukat mo ba ang iyong pagmamahal para sa iyong pamilya? Paano mo ito ipinadadama?
– Ang pagmamahal ay hindi nasusukat lalong lalo na kung ang pinaguusapan ay sa ating pamilya. Ito ay sapagkat ang pagmamahal sa pamilya ay walang hanggan.
Naipapadama ko ito sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga bagay na ikasasaya nila kabilang narito ang pag-aaral ko nang mabuti.
Ito ay upang magantihan ko na rin ang kapaguran ng aking mga magulang sa pag-aalaga, paggabay, pagbibigay ng aking mga pangangailangn, at pagpapaaral sa akin.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Mga Kaugnay na Assignment:
Pagninilay Tungkol Sa Konsepto Ng Kabutihan o Kagandahang-Loob
Ang “Sekswalidad Ng Tao” Sa Pag-Unlad Bilang Tao Ng Isang Teenager
Ako Bilang Mag-aaral (Laban sa Pambubulas o Pambu-bully): Isang Essay
Agwat Teknikal (Agwat Teknolohikal): Mga Tanong at Sagot
Ang Mga Tungkulin at Sakripisyo ng mga Magulang para sa mga Anak
Mga Paraan Upang Mapabuti Ang Komunikasyon
Ang Kabutihang Naidudulot ng Pakikipagkaibigan at Halaga Ng Pagpapatawad
Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak
Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality
Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti
Pagninilay Tungkol Sa Konsepto Ng Kabutihan o Kagandahang-Loob
Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot
Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers