Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development)

Mahalagang maunawaan at naipaliliwanag na ang pagkilala sa sarili ay isang paraan upang matanggap ang mga kalakasan at limitasyon at pagkakaroon ng mas maayos na pakikipagkapwa tao. Ito ang isa sa mga kasanayang pampagkatuto na matututunan sa artikulong ito.

Para sa English discussion sa paksang ito, basahin ang: Explain that knowing oneself can make a person accept his/her strengths and limitations and dealing with others better

Ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili

Mahalaga ang pagkilala sa sarili lalo na sa mga nasa antas ng pag-unlad (developmental stage) na tinatawag na “pagbibinata” o “pagdadalaga,” o ang tinatawag na “adolescence.”  

Ang salitang “adolescence” ay nagmula sa salitang Latin na ‘adolescere‘ na nangangahulugang ‘lumalago’ (‘grow’). Si G. Stanley Hall (1844-1924), ang Ama ng konseptong adolescence (Father of Adolescence) ang lumikha ng termino. Sinabi niya na ito ay panahon ng bagyo at stress sa buhay ng tao.

Paliwanag pa ni Hall, sa yugtong ito ay pangkaraniwan nang may salungatan (conflict) sa pagitan ng isang tinedyer at kaniyang mga magulang. Mayroon ding mga pagkagambala sa mood, at potensyal na magkaroon ng mapanganib na pag-uugali (risky behavior).

Ang puberty ang hudyat ng pagsisimula ng adolescence.

Ang buong yugto ng adolescence ay maaaring mahati sa tatlong yugto: (a) unang bahagi (early adolescence: humigit-kumulang 11-14 taong gulang), (b) kalagitnaang bahagi (middle adolescence: humigit-kumulang 15-17 taong gulang) at (c) huling bahagi (late adolescence: humigit-kumulang 18-21 taong gulang).

Ang mga nasa senior high school ay nasa panahon ng kalagitnaan o huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata. (Kaugnay: How to Overcome Stressful Adolescent Stage)

Ang pagkilala sa sarili: Tamang kamalayan at pag-amin

Kung ikaw ay isang teen-ager, napakahalaga na mayroon kang tamang kamalayan ukol sa iyong sarili.

Kapag mayroon kang tumpak na kaalaman o pang-unawa sa iyong sarili, makatotohanan na mararamdaman mo sa iyong sarili na ikaw ay isang natatanging indibidwal.

Kung kilala mo ang iyong sarili, maiiwasan mo na mabuhay sa isang kasinungalingan, pantasya, imahinasyon, o pagpapanggap.

Ang kamalayan sa sarili ay magpapalakas din sa iyo upang gumawa ng mga personal na pagpapabuti sa iyong sarili. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapaunlad pa sa iyong mga katangian at pagtukoy sa mga aspeto na dapat mo pang pagsikapang paunlarin.

Tunay na mahalaga ng kabatiran o kamalayan sa sarili. Halimbawa, kapag mayroon kang problema, ang unang hakbang sa paglutas nito ay ang pag-amin na mayroon kang problema bilang bahagi ng kamalayan sa sarili.

Ang pagkakilala sa sarili ang panimulang punto na humahantong sa anumang paglago. Ang pagpapabuti ng sarili ay tila imposible kung walang kamalayan sa sarili.

Ang mga nakapaloob sa pagkilala sa sarili

Kasama sa pagkilala sa sarili ang pag-unawa sa iyong sariling mga gawi, mga pangangailangan, mga hangarin, mga lakas at kahinaan, at lahat ng bagay na mahalaga sa iyong pagkatao.

Kung mas kilala mo ang iyong sarili, mas magiging mahusay ka sa pag-angkop ng iyong sarili sa mga pagbabago sa buhay na tugma sa iyong mga pangangailangan. (Basahin: Some Ways to Become a Responsible Adolescent)

Socrates: “Alamin mo ang iyong sarili.”

Ang Griyegong pilosopo na si Socrates ay minsang nagsabina, “Alamin mo ang iyong sarili.”

Gayunpaman, ang tinutukoy na pag-alam sa sarili ay higit sa intelektwal na pagkilala sa sarili. Nangangailangan din ito ng pag-alam tungkol sa mga hilig at damdamin ng isang indibidwal.

Mahalagang makinig ka sa iyong mga damdamin at kung paano nito naaapektuhan ang iyong pag-uugali. Sa pamamagitan nito, mas maunawaan mo kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na madalas mong gawin.

Kung mas nauunawaan mo ang tungkol sa iyong mga kinahihiligan, mas madali mong maisasaayos ang maraming bagay ukol sa iyong sarili.

Pagkilala Sa Sarili Sa Panahon Ng Kalagitnaan At Huling Bahagi Ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Kung ikaw ay isang kabataan o adolescent, maraming mga katanungan ukol sa iyong sarili ang marahil ay sumasagi sa iyong isipan. Importante na ang mga ito ay iyong masagot o mabigyang-linaw para na rin sa iyong personal na pag-unlad o pansariling kaunlaran (personal development).

Sikapin mong matuklasan ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili. Tuklasin mo ang maraming kaalaman at kamalayan tungkol sa yugto (stage) na iyong kinaroroonan. (Maraming artikulo sa site na ito, MyInfoBasket.com, ang makatutulong sa iyo. Gamitin ang search engine sa bantang itaas).

Mahalagang pagtutunan mo na iyong maipamalas ang iyong pag-unawa sa iyong sarili sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga o pagbibinata.

Mahalagang iyong maisagawa ang pagkilala sa iyong sarili at maging ang pagpapahayag ng tungkol sa iyong sarili sa mga akmang pagkakataon.

Mga makatutulong na aktibidad

Sa panig ng mga guro,mahalaga na makapagsagawa ng mga aktibidad sa kalse na nagnanais na bigyan ng pagkakataon ang mga nagbibinata/nagdadalaga na magkaroon ng kamalayan sa kanilang sarili.

Maaaring gawin ito sa isang kawili-wili at malikhaing paraan. Matutulungan sila ng ganitong mga aktibidad na tukuyin ang kanilang mga kalakasan, kahinaan, at kakayahang natatangi sa kanila. Mahalagang masagot nila ang tanong na, “Sino Ako?”

Bilang aktibidad, maaari ring basahin o ipabasa ang: Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers at ang Ways to Become a Responsible Adolescent Prepared for Adult Life.

Paggawa ng Talambuhay

Sa pagkilala sa sarili, makatutulong ang paggawa ng talambuhay. Sa gawaing ito ay makagagawa ang isang nagbibinata/nagdadalaga ng simpleng paglalarawan sa kaniyang sarili. Dito ay maibabahagi niya ang kaniyang mga natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan.

Kung ito ay aktibidad sa klase, maaaring ipasumite ito sa guro. Ang ilang mag-aaral ay maaaring tawagin sa harap ng klase upang ibahagi ang ilang nilalaman ng kanilang talambuhay.

Matapos ang pagbabahagi, maaaring itanong sa teenager ang mga sumusunod:

Ano ang napansin mo sa mga ibinahagi ng iyong mga kaklase ukol sa kanilang talambuhay? May pagkakahawig ba ito sa talambuhay mo? Napansin mo ba ang ilang mga katangian ng isang nagbibinata o nagdadalaga sa iyong talambuhay? Sa talambuhay ng iyong mga kaklase? Ipinagmamalaki mo ba ang mga nakalagay sa iyong talambuhay? Bakit oo; Bakit hindi? Ano ang iyong mga natutunan sa aktibidad? … ituloy ang pagbasa

Kaugnay: Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development

*Kung nais mong hanapin ang iba pang paksa ukol sa Pansariling Kaunlaran, i-search dito:

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

Nota: Ang mga kaugnay na paksa ay mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/.

SA MGA GURO:
Ito ay maaaring gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“I-search sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Unawain ang paksa. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong simpleng paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ang page na ito sa social media gaya ng Telegram, Twitter, Instagrame-mail, at iba pa.