Paghahanap ng Trabaho sa Pilipinas: Ilang Paraan

© MyInfoBasket.com

Isang katotohanan ang sabihing mahirap talagang maghanap ng hanapbuhay. Lalo na dito sa Pilipinas na limitado ang oportunidad, marami ang walang hanapbuhay, at padagdag nang padagdag ang mga bagong aplikante. Subalit gaya ng madalas nating marinig, “kung gusto, maraming paraan; kung ayaw, maraming dahilan.”

Mga Makatutulong sa Paghahanap ng Trabaho sa Pilipinas

Marami pa rin namang paraan at payo na makatutulong sa iyo sa paghahanap ng trabaho. Kabilang rito ang mga sumusunod:

1. Gawing kaaya aya ang iyong resume o curriculum vitaeat isaayos upang bumagay sa iyong inaaplayan. Gumawa ng maraming kopya at isumite sa lahat ng potensiyal na mapagtatrabahuhan.

2. Ipaalam sa iyong mga kakilala na naghahanap ka ng trabaho. Maaaring makapag-refer sila sa iyo o mabanggit nila kung mayroon silang alam na puwedeng pagtrabahuhan.

3. I-checkang mga classified ads at job posting sa ibat-ibang klase ng diyaryo. Tradisyonal man itong paraan ay malaki ang maitutulong nito.

4. I-maximizeang gamit ng social media at internet. Maaring i-post ang iyong resume sa iyong page. Mag-ingat lang na mabiktima ka ng identity debt kaya piliin lang ang ilalagay at pag-isipang mabuti. Suyurin rin ang mga websites ng mga kompanya upang alamin kung may inaalok na mga bakanteng trabaho at makapagpadala ng resume sa mga ito. Gamitin rin ang mga search enginestulad ng Google at Yahoo. Kadalasan, ipinakikita rito ang mga home-based o on-site na job offers.

5. Linangin ang kaalaman sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar training, at short-term courses tulad ng iniaalok ng TESDA.

6. Abangan ang mga Job Fairs lalo na ang mga malakihang uri nito upang makadalo rito. Kadalasan, pag nagustuhan ka ng employer, agad-agad ka nilang tatanggapin (hire on the spot).

7. Maaari ding lumapit sa mga recruitment agencies at “head hunters” na maaaring makatulong sa iyong makakuha ng trabaho. Subalit maging handa sapagkat ang mga ito ay karaniwang may kaukulang bayad.

8. Palawigin ang iyong mga kakilala at koneksiyon. Ang sabi nga, “You need to know people who know people.” Madalas, sa mga kakilala ka makakakuha ng impormasyon ukol sa hanapbuhay. Maaari ka ring irekomenda sa trabaho ng mga kakilala mo na naniniwala sa iyong kakayahan.

Kadalasang ang pagkakaroon ng oportunidad sa magandang trabaho o hanapbuhay ay nangangailangan ng kombinasyon ng iba’t-ibang paraan. Ang ibat-ibang pamamaraan ay may pros and cons, kaya’t mabuting subukan kung alin sa mga ito ang pinakamaganda.

Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog

Ikaw, ano ang maimumungkahi mong dagdag suhestiyon para makahanap ng marangal na trabaho sa Pilipinas?

Gumamit ng #TrabahoSaPinas

To STUDENTS:
Write your ASSIGNMENT here: Comments of RATIONAL STUDENTS or here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.