Paggawa ng Case Study: Sanhi at Epekto ng mga Suliraning Pangkapaligiran

Ang isa sa hinahanap sa mag-aaral na kumukuha ng kursong “Mga Kontemporaryong Isyu” (Baitang 10) bilang pamantayan sa pagkatuto ay ang “Nakagagawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan.”

Ito ay mahalaga upang lubos na maunawaan ang kalagayan ng sariling komunidad sa aspeto ng mga panganib na kasalukuyan at napipinto nitong maranasan.

Ang case study ay isang detalyadong pag-aaral ng isang tiyak na paksa, tulad ng isang tao, grupo, lugar, kaganapan, samahan, o hindi pangkaraniwang kaganapan.

Karaniwang ginagamit ang mga case study sa panlipunan, pang-edukasyon, klinikal, at pangnegosyong pananaliksik.

Ang disenyo ng pananaliksik sa case study ay kadalasang gumagamit ng qualitative methods, bagama’t gumagamit din ito ng quantitative methods.

Ang mga case study ay magandang uri ng pag-aaral para sa paglalarawan, paghahambing, pagsusuri, at pag-unawa sa iba’t ibang mga aspeto ng isang problema sa pananaliksik.

Sa paggawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan, maaaring sundin ang mga ito:

a. Gawing paksa ang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa iyong sariling pamayanan (subdivision, village, o barangay na kinabibilangan).

b. Alamin ang mga sanhi ng suliraning pangkapaligirang ito

c. Pag-aralan din ang mga epekto ng mga ito

d. Magmungkahi ng pamamaraan para masolusyunan ang suliraning pangkapaligiran

Makatutulong na humingi ng payo o gabay mula sa guro ukol sa napiling paksa at sa proseso ng pagsasagawa ng case study. Ang guro rin ang magpapasya sa eksaktong petsa ng pagsusumite nito.

Matuto pa ukol sa case study, basahin ang: Case Study Tungkol Sa Sanhi At Epekto Ng Mga Suliraning Pangkapaligiran Na Nararanasan Sa Sariling Pamayanan

Saliksikin ang ilang mga halimbawa.

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang subject na nais mong hanapin, i-search dito:

Copyright by MyInfoBasket.com and Vergie Eusebio and Marissa Eugenio

=====

Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu