Paano Makatutulong na Mabawasan Ang Paglala ng Climate Change

Ang climate change (pagbabago sa klima ng mundo) ay bunga ng pagtaas ng mga partikular na greenhouse gases (GHGs). Maraming pinsala ang dulot nito sa mundo at sa mga tao.

Mahalaga ang papel na gagampanan ng mga tao sa lipunan upang masolusyunan ang climate change. Dapat magkaroon ang tao ng partisipasyon upang mabawasan ang GHGs sa kapaligiran.

Paano ka makatutulong na na mabawasan ang paglala ng climate change? Narito ang ilang mungkahi na hango sa artikulo ni Propesor Jensen DG. Mañebog:

Bago magpatuloy: Pakisuportahan ang ating free educational materials sa pamamagitan ng pag-subscribe (kung hindi ka pa naka-subscribe). Salamat!

1. Magtanim ng puno at halaman upang magsilbing taga-sipsip ng GHGs.

2. Gumamit ng mga energy-efficient at environment-friendly na mga kagamitan.

Magpalit ng bumbilya at gumamit ng compact fluorescent light bulbs (CFLs).

3. Maglakad, magbisikleta, o mag-commute (sa halip na gumamit ng sariling sasakyan).

Hindi lamang ito makakatipid sa gasolina, makababawas pa sa polusyon. Maaari ring mag-car pooling.

4. Maging praktikal sa pagkonsumo ng fuel. Panatilihing maayos ang kondisyon ng sasakyan.

Siguraduhing ang makina ay maayos at ang mga gulong ay may sapat na hangin. Iwasan ang biglang pag-arangkada.

5. Magtipid sa paggamit ng kuryente. Hangga’t maaari ay iwasan ang paggamit ng aircon. Maaaring buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at hangin sa tahanan.

Patayin ang mga ilaw at bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi ginagamit … ituloy ang pagbasa

*Kung may paksa na gusto mong hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pa (hal. political dynasty, etc.), i-searh dito:

Basahin: Climate Change: Causes, Effects, and Solutions

Para sa iba pang makabuluhang paraan, sangguniin ang: Climate Change: Causes, Effects, and Solutions

Copyright by Vergie Eusebio and Marissa Eugenio

=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)