Organization of American States: Mga Layunin
Isang pangkontinental na organisasyon ang Organization of American States (OAS) na binuo noong ika-30 ng Abril 1948. Ito ay itinatag para sa panrehiyong pagkakaisa at kooperasyon sa mga estadong miyembro nito.
May walong mahahalagang layunin ang organisasyon ayon sa Artikulo 2 ng Charter nito:
1. Upang patibayin ang kapayapaan at seguridad ng kontinente.
2. Upang itaguyod at pagsamahin ang kinatawang demokrasya (representative democracy), na may angkop na respeto sa prinsipyo ng di-pakikialam (nonintervention).
3. Upang maiwasan ang mga posibleng pagmulan ng hindi pagkakaunawaan at upang matiyak ang kapayapaan sa pasipiko ukol sa maaaring maging alitan sa mga estadong miyembro nito.
4. Upang magkaloob ng iisang aksyon sa panig ng mga estado sa panahon ng hindi pagkakaunawaan.
5. Upang magkaroon ng solusyon sa mga maaaring lumitaw na problemang pang-pulitika, panghukuman, at pang-ekonomiya.
6. Upang maisulong, sa pamamagitan ng kooperatibong aksyon, ang pag-unlad sa ekonomiya, panlipunan, at pangkultura.
7. Upang lipulin ang matinding kahirapan, na nagiging balakid sa ganap na pag-unlad ng mga mamamayan sa rehiyon.
8. Upang magkaroon ng isang epektibong limitasyon sa paggamit ng armas pandigma upang lalong mapagtuunan ng pansin ang ekonomiya at panlipunang pag-unlad ng mga estadong miyembro nito.
AngOrganization of American States (OAS)ay may punong-tanggapan sa mismong Kapitolyo ng Estados Unidos, Washington, D.C.. Ang mga miyembro ng OAS ay ang 35 malalayang estado ng America.
Sa Artikulo 1 ng Charter nito, nakasaad ang pangunahing layunin ng mga nasyong kasapi sa paglikha ng OAS. Ito ay “upang makamit ang isang hangaring pangkapayapaan at pangkatarungan, upang itaguyod ang kanilang pagkakaisa, upang palakasin ang kanilang pakikipagtulungan, at upang ipagtanggol ang kanilang soberanya, ang integridad ng kanilang teritoryo, at ang kanilang kalayaan.”
Noong ika- 26 ng Mayo, 2015, ang naging Pangkalahatang Kalihim ng OAS ay si Luis Almagro ng Uruguay. Kasama sa mga ipinahayag na mga prayoridad nito ngayon ang pagpapatibay ng demokrasya, pagkilos para sa kapayapaan, pagtatanggol sa mga karapatang pantao, pagpapalakas ng malayang kalakalan, pagsupil sa kalakalan sa droga, at pagtataguyod ng sustainable development.
Check Out: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. MañebogNOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.