Nasyonalismo at Patriotismo: Ang Pagkakaiba
Nationalism vs Patriotism
Ni Jensen DG. Mañebog/Jens Micah De Guzman (© 2014-present)
Sinabi ng tanyag na manunulat na si George Orwell na “ang nasyonalismo ay ang pinakamalalang kaaway ng kapayapaan.”
Ayon sa kaniya, ang nasyonalismo ay isang pakiramdam na ang sariling bansa ay mas higit na mataas sa iba sa lahat ng bagay. Sa kabilang dako, ang patriotismo ay isa lamang pakiramdam ng paghanga para sa isang pamamaraan ng pamumuhay.
Ang nasyonalismo at patriotismo ay kapwa nagpapakita ng relasyon ng indibidwal sa kaniyang nasyon.
Ang dalawang konsepto ay kadalasang kinalilituhan at malimit na pinaniniwalaang tumutukoy sa iisang bagay lamang.
Subalit, dapat nating maunawaan na mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng nasyonalismo at patriotismo. Ano nga ba ang kaibahan sa kahulugan ng dalawang konsepto?
Bago magpatuloy: Pakisuportahan ang ating free educational materials sa pamamagitan ng pag-subscribe (kung hindi ka pa naka-subscribe). Salamat!
Balikan na natin ang paksa:
Ang nasyonalismo ay nangangahulugang pagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa pagkakaisa sa larangang pang-kultura, kabilang ang wika at pamana.
Sa kabilang dako:
Ang patriotismo naman ay tumutukoy sa pag-ibigsa bansa, na may pagbibigay-diin sa mga pinahahalagahan (values) at mga paniniwala.
Kapag pinag-uusapan ang nasyonalismo at patriotismo, hindi maiiwasan ang tanyag na pahayag ni George Orwell na “ang nasyonalismo ay ang pinakamalalang kaaway ng kapayapaan.”
Ayon sa kaniya, ang nasyonalismo ay isang pakiramdam na ang sariling bansa ay mas higit na mataas sa iba sa lahat ng bagay.
Malinaw, kung gayon, na kung lalabis sa nararapat, ito ay maaaring maging mapanganib.
Check Out: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. MañebogSa kabilang naman, ang patriotismo ay isa lamang pakiramdam ng paghanga para sa isang pamamaraan ng pamumuhay.
Napansin mo ba na sa pamamagitan ng mga ito ay makikita na natin ang kaibahan ng patriotismo at nasyonalismo?
Narito ang isang kaibahan:
Ang mga konseptong ito ay nagpapakita na ang patriotismo ay likas na pasibo (passive) samantalang ang nasyonalismo ay maaring maging mas agresibo.
Ang patriotismo ay nakabatay sa pagkagiliw (affection) habang ang nasyonalismo ay nag-uugat sa tunggalian at sama ng loob (rivalry and resentment).
Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog
Maaaring sabihin na ang nasyonalismo ay militante sa kalikasan at ang patriotismo naman ay nakabatay sa kapayapaan.
Ipinapalagay ng karamihan sa mga nasyonalista na ang kanilang bansa ay mas magaling kaysa saiba, samantalang ang mga patriot ay naniniwalang ang kanilang bansa ay isa sa magagaling at maaaring mapabuti pa sa maraming bagay.
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
Ang mga patriot ay madalas na naniniwala sa palakaibigang relasyon sa ibang mga bansa samantalang ang mga nasyonalista ay maaaring hindi … ituloy ang pagbasa
*Kung may paksa sa Araling Panlipunan o iba pang aralin na nais mong hanapin (Tagalog man o English), i-search dito:
Copyright 2014-present nina Jensen DG. Mañebog /Jens Micah De Guzman
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
TALAKAYAN:
Alin ang mas mahalagang taglayin ng mga Pilipino: nasyonalismo o patriotismo? Bakit?
Sagutin sa ibaba gamit ang #nasyonalismo #patriotismo #[AngIyongProbinsiya]
Click when you’re DONE with your assignment
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.
====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mga Musika o Sayaw ng Lahi na Maipagmamalaki ng Kapuwa Pilipino