Militarismo at Pagpapalakasan ng Armas: Dahilan ng Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig
Ipinaliwanag ni Alfred Vagts, isang Alemang mananalaysay at sundalo sa panahon ng WWI, na ang militarismo ay pangingibabaw sa sibilyan ng kapangyarihan ng militar, pananaig ng kagustuhan ng militar, at ang labis na pagpapahalaga sa mga bagay na ukol sa militar.
Sa madaling salita, militarista ang isang gobyerno na ang priyoridad ay ang military nito. Dito, ang pulitika at militar ay para bagang iisa. Naiimpluwensyahan ng mga lider militar ang mga panukala at programa ng kanilang gobyerno.
Naging pamantayan ng lakas ng mga bansa ang kapangyarihang militar (military power) noong ika-19 hanggang pasimula ng ika-20 na siglo. Mahina ang tingin sa mga gobyerno at lider na hindi napalakas ang kanilang mga sangay ng hukbo na mahalaga sa depensa ng kanilang bansa at sa pananakop.
Dahil sa nausong militarismo lalo na sa Europa, nagkaroon ng delikadong arms race. Nagpaligsahan ang mga bansa sa paggawa ng mga makabagong teknolohiyang pang-militar, paggasta ng malaki para sa militar, at malawakang pagre-recruit para sa hukbong sandatahan.
German General Staff
Bahagi ng militarism sa Germany, kanilang itinatag ang German General Staff noong 1824, isang espesyal na pangkat sa itaas ng sistemang militar ng Alemanya. Ito ang sinasabing nagdulot ng malaking kalamangan sa sandatahan ng Alemanya laban sa ibang mga bansa sa matagal na panahon.
Ang German General Staff ang sumusuri sa mga salik hinggil sa digmaan at siyang lumilikha at nag-aaral sa mga plano ng mga mga hakbang ukol sa pakikidigma.
Paggawa ng armas sa panahon ng Industrial Revolution
Ang mga kaalaman at kasanayan sa panahon ng Industrial Revolution ay nagbigay-daan sa paggawa ng malalakas at mga makabagong armas. Ang mga ito ay nagpalala sa hayag at di hayag na tensyon at iringan sa mga bansa sa Europa sa huling bahagi ng 1800.
Bago ang 1914, ang mga bansa sa Europa ay nagpaligsahan sa larangan ng teknolohiya, kaalinsabay at kaugnay ng paligsahan sa militarismo.
Militarismo bilang dahilan ng WWI
Sinasabing nagkaroon ng takot ang Germany sa pagdami ng mga armas ng Russo, habang natakot naman ang Britanya sa paglawak ng hukbong-pandagat ng Germany. Ang mga tensiyong ito ang kabilang sa naging salik sa pagsiklab noong 1914 ng World War I.
Anopat bago pa ang 1914, naging masidhi ang militarismo sa iba’t ibang bansa sa Europa. Inimpluwensiyahan ng militarismo ang paniniwala ng publiko. Inilarawan ng media bilang bayani ang mga lider ng militar,atipinakita, halimbawa, na agresibo ang mga kalabang na bansa.
Pinaigting ng mga ito ang interes ng mga tao sa digmaan sa pamamagitan ng mga usapan at diskusyon ukol sa giyera. Iniudyok ng militarismo ang opinyon na ang digmaan—hindi ang mahinahon na pag-uusap at diplomasya—ang siyang paraan para maresolba ang mga hidwaan ng mga bansa … ituloy ang pagbasa
Kaugnay: Mga Dahilang Nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog