Mga Suliraning Kinakaharap ng Sektor ng Edukasyon sa Bansang Pilipinas

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO:
Natatalakay ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa

Maraming ang mga hamon at problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas. Narito ang ilang halimbawa:

1. Problema sa kurikulum

Ayon kay Dr. Milwida Guevara, Chief Executive Officer ng Synergeia Foundation, isa sa mga dahilan ng mababang grado ng mga mag-aaral sa mga assessment test ay ang mismong implementasyon ng K-12 program ng DepEd. Hindi umano tiyak ang kalidad ng natutuhan ng mga estudyante.

Matatandaan na tila minadali ang paglikha ng kurikulum para sa Kto12 Program sa panahon ng dating pangulong Benigno Aquino III. Ayon kay Guevara, dahil din sa lawak ng naturang kurikulum, hindi na umano natutukan nang mas malalim ang pagbasa ng mga estudyante. Ang kurukulum umano ay mas nakatuon sa dami ng mga subject o competency na dapat talakayin.

Dapat pang mapaunlad ang kurikulum upang ang mga kaalamang ituturo ay iyong talagang kailangan, praktikal, at magagamit sa buhay sa labas ng paaralan. Dapat ding tugunan ang pagbaba ng pagkatuto sa wikang Ingles na siyang international language sa kasalukuyan.

2. Problema sa kalidad ng edukasyon

Nakakabahala ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa batay na rin sa mga pagsusuri at pag-aaral. Maraming salik ang nakakapagpababa sa kalidad ng edukasyon.

Tinukoy ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog na maaaring ang isa sa mga dahilan ng mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kulturang “pasang-awa”, kung saan “pinalulusot” ang mga dapat sana ay bagsak at nakakaakyat sa susunod na antas.

3. Problema sa access sa edukasyon

Ayon mismo sa Multidimensional Poverty Index ng Philippine Statistics Authority, 5 sa 10 pamilyang Pilipino ang walang akses sa basic education.  Hindi kakaunti ang mga ang out-of-school youth sa bansa—mga drop-out, maagang nagdalang-tao, nakatira sa malayo sa paaralan, PWds, at iba pa.

4. Problema sa mga silid-paaralan at mga gamit sa edukasyon

Bahagi ng pang-araw-araw na reyalidad sa mga paaralan, lalo na sa mga pampublikong paaralan sa bansa, ang siksikang silid-aralan at mga klase na idinadaos sa open space, corridorhallway, gyms, ilalim ng puno, at maging sa palikuran na ginawang silid-aralan.

May mga silid-aralan din na sira-sira na ang bubong at dingding at nababasa ang mga mag-aaral kapag umuulan. Mayroon ding merging o pagsasama sa isang klasrum ng dalawa o higit pang magkakaibang klase.

May mga kaso rin ng luma at punit-punit na mga aklat-aralin na pinagsasaluhan ng dalawa o tatlong mag-aaral. Sariling “diskarte” naman ang mga guro para sa kanilang kagamitan sa pagtuturo.

Ito ang mga halimbawa ng mga problemang sinisikap solusyunan ng ating gobyerno.

5. Problema sa working condition ng mga guro

Ayon kay Philippine Business for Education Executive Director Lovelaine Basillote, isa sa mga problema ay ang kakulangan ng oras ng mga guro para turuan ang mga mag-aaral.

Maliban sa teaching load, may dagdag na administrative work pa ang mga guro.

May mga kabataan na ayaw maging titser dahil na rin nakikita nilang “kayod-kabayo” ang mga guro, abonado pa sa mga gamit pampaaralan, at hindi kataasan ang sahod, kaya’t ang ilan ay naiisipang magtinda, halimbawa, bilang sideline

6. Problema sa class size

May mga taon sa nakaraan na ang isang titser sa pampublikong pampaaralan ay may hawak na klase na binubuo ng 60 hanggang 70 estudyante sa hindi bababa na dalawang shifting sa isang araw. Napakalaki nito kumpara sa ideal teacher-student ratio na 1:25 at maging sa 1:40 na opisyal na pamantayan ng gobyerno. Labis na apektado ang kalidad ng edukasyon kapag malaki ang sukat ng klase … continue reading

Read: Philippine Education: On K-12 proposal

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog